Sen. Bam Aquino’s Keynote Speech during the TAYO 16 Awards Ceremony

23 January 2019

 

Maraming salamat, palakpakan po natin si Pepot Vinta.

 

Alam niyo po, every year sa TAYO, para tayong nagre-reunion na mga magkakaibigan. Ang problema lang, ang mga youth leaders parang hindi tumatanda pero kaming mga organizers lang ang tumatanda. 

 

The first time that I’ve met Pepot was TAYO3. TAYO 6 was also the first year that Coke became part of the family. San Miguel became part of the family about 6-7 years ago also. Smart has also been part of our family through the years. And of course our friends from Jollibee, Ayala, and Lenovo are also here with us. 

 

Round of applause for our sponsors! Maraming maraming salamat sa inyo. Pero ang pinakamlakas na palakpakan, ibigay natin para sa ating mga TAYO finalists. 

 

Congratulations for being here and thank you for making our country better. 

 

Thank you for giving us a healthy dose of positivity and inspiration, especially this week. Lalo na ngayon na pinag-uusapan ang pagbibilanggo ng batang Pilipinong siyam na taon lamang. Thank you for providing us an alternative story for all of us today. 

 

Kayo ang paalala at pruweba na ang kapag may tamang gabay at oportunidad ang kabataan, kayo mismo ang magsisigurado na aasenso ang Pilipinas, at aasenso ang bawat Pilipino.

 

Kaya maraming salamat sa inyo! It is an honor to be here speaking to such accomplished and passionate young men and women who have done so much for our country.

 

Yung tanong ko lang… Ano pa ba ang maibabahagi namin sa inyo?

 

Sa totoo lang, lahat naman mahahanap niyo na sa internet. Ano pa ba ang laban natin sa world wide web?

 

Kung gusto natin ng pinaka-magagaling na speech, maghahanap lang tayo sa TED Talks, naroon din ang mga paburito niyong kanta at TV shows, mga lifehacks, pati photos at IG stories ng crush niyo – lahat na ay mahahanap online at sa social media.

 

But while the internet has opened up our world to so much content and possibilities, we also know that the internet and social media has a dark side.

 

Napansin siguro natin in the past few years, habang dumadami ang mga life halks, nakakatawang kuwento, at mga inspirational stories, dumadami rin ang mga nakikita nating negatibo sa internet. 

 

Actually po, namimiss ko na yung 4 to 5 years ago. Dahil 4 to 5 years ago, ang mga trolls ko noon ay mga masasayang trolls. Hindi mga galit na troll. Ang ginagawa nila dati, pinapalitan nila ang Wikipedia Page ko ng kung anu-anong nakakaaliw na kuwento.

 

One time, sinabi nilang ako’y isang Ninja Turtle. Ginawa na rin nila akong hip-hop dancer, master-twerker, at kung anu-ano pa. And honestly, we didn’t feel that bad about it kasi it was all done in good rumor. 

 

Unfortunately these days, grabe na ang social media. Grabe at dumami na rin ang fake news at paninira. Ang pinakamasama na dito ay noong tinawag akong terorista.

 

Pero sa totoo lang, hindi lang yan nangyayari sa mga taong nasa pulitika. Alam natin na ang ating mga kabataan ngayon, marami na ring hinaharap na negativity sa kanilang buhay. Nandyan ang mga nagsasabing: 

Hindi mo kaya!

Kalokohan ‘yan!

Wala kaming pake sa ginagawa mo!

 

In fact, just the other night nung nagdinner kami, I found out that a number of our finalists focus on mental health of the youth. Dahil napaka-grabe na ang sitwasyon ng marami nating kabataan pagdating sa kanilang mental health. 

 

I was so shocked to find out that in one of our finalists pools, in one batch that they were helping students in, more than 10% had actually tried to commit suicide. 

 

Itong negativity at napakasamang mga boses na umiiral sa ating buhay at sa online world ay talagang napakasama at kailangang labanan. 

 

But, dear friends, we cannot allow these voices to win. We cannot allow these voices to get even louder!

 

Kailangan nating isigaw at patunayan na “Kaya Natin!”

Para sa atin at sa ating mga pamilya, para sa bayan “Kakayanin Natin!”

 

Holding on to this voice of hope, especially through times of adversity, is what will make all the difference in our lives.

 

Which is why I want to share with you the story of Geraldine. 

 

Nakilala ko si Geraldine noong bumisita ang aming Libreng Kolehiyo Caravan sa Iloilo.

 

Si Geraldine ay pangatlo sa labing isang anak. At mahirap ang kanilang pamilya. 

Dahil dito, mababa ang tingin sa kanila ng kanilang mga kamag-anak. Hindi na daw sila aasenso.

 

Dahil sa hirap ng buhay, noong nag-graduate si Geraldine ng High School, namasukan muna siya sa kaniyang tiyahin.

 

Sabi ng tiyahin niya na papaaralin siya sa kolehiyo kaya umasa si Geraldine. Pero imbis na paaralin, pinagtrabaho lang siya.

 

Kaya umalis si Geraldine at nakahanap ng trabaho bilang mananahi ng mga bag. Sa kita niya, nakapag-enrol siya sa kolehiyo!

 

Pero noong kapos at kinailangan niyang umutang, hindi siya pinautang ng kaniyang amo at hindi rin siya pinautang ng kaniyang mga kaklase. Kaya ang ginagawa niya ay lumalabas siya sa kanyang eskwelahan, nagpupuyat, at bumabalik sa mga factory ng bag at ginagalingan upang makaipon at makabalik sa eskwelahan. 

 

Buti na lang, hindi nagpatalo si Geraldine sa mga boses na nega at nagsasabing:

Hindi mo kaya!

Kalokohan ‘yang pangarap mong makapag-college!

At wala kaming pake sa iyong sitwasyon!

 

Ngayon, 3rd year college na siya at ginagawa na nila ang kanilang thesis! Mas may oras na siya na mag-aral dahil Libre na ang Kolehiyo sa kanyang eskwelahan sa Iloilo! Ang dating 10,000 pesos per semester na kanyang kinakayod sa mga factory ng mga bag, ngayon ay libre na.

 

Kaya nakita natin kay Geraldine na hindi siya nagpatalo. Hindi nagpatinag at tuloy-tuloy niyang inabot ang kanyang pangarap. Sa tulong ng libreng kolehiyo, I am sure na by next year, g-graduate na siya at makakamit ang kanyang pangarap. 

 

Noong naging Chairman tayo ng Committee on Education, naisipan namin ng aming oposina na gawing prayoridad ang Libreng Kolehiyo at itrabaho ang pagpasa nito sa Senado.

Kahit noon, maraming nagsasabi na hindi kaya iyan:

“30 years na yan tinatrabaho sa senado, walang makapasa-pasa ng batas na yan”

“Masyado ka pang bata para makapagpasa ng napakalaking reporma.”

 

Napakaraming mga negatibong bagay ang binato sa amin. Pero hindi kami nagpatinag. Hindi kami nagpatalo. 

Hindi ko na lang po sasabihin kung sinu-sino, pero marami ang kumontra sa repormang ito. Ang pangunahin nilang sinasabi ay kapag libre na ang edukasyon, hindi na pahahalagahan ng kabataan ang kanilang edukasyon. Na alam naman naming hindi totoo dahil sa kuwento ni Geraldine at libu-libo pang mga kabataan na naghahangad na makapagtapos sa ating bayan.

 

Every step of the legislative process had a challenge. And until the last moment – kahit noong nasa Malacanang na at nagaantay ng pirma ng pangulo, may mga balita pa rin na ive-veto ito. 

 

Buti na lang malakas ang positivity! Hindi lang ng aming opisina, pero pati na rin ng milyun-milyong naghangad na maging batas ang repormang ito. 

 

Ang lagi naming sinisigaw: ‘Tuloy ang laban! Para sa bayan!”

 

Hanggang ngayon, kahit malakas ang boses ng paninira sa batas na ito, tinatrabaho pa rin namin sa Senado ang napakahalagang reporma na ito. Kaya sama-sama naming sinasabi na “Kaya natin at kakayanin pa natin to.”

 

Dear friends, when we sift through stories of revolutionaries and change-makers, we find that there were always critics and there were always naysayers. People who will say that you can’t do it. 

 

But the inner voice of optimism can triumph and shine through!

If Bill Gates gave up after his previous business ventures failed, we may never have had “a computer in every home.” If Steve Jobs gave up whenever his ideas were shot down, we wouldn’t have “a computer in every pocket.”

 

If Mahatma Gandhi gave up those countless times he was thrown in jail, we would never have known the power of non-violence.  If Cory Aquino believed those that said a housewife could never be president, who knows if we would have freedom and democracy today.

 

They had the willpower and a strong, hopeful voices that cut through the criticism and negative chatter to drive revolutions, drive reforms, and ultimately, create change that we want to see in our world.

 

Like them, we need to strengthen our inner voice that says, “Kaya natin! Kakayanin natin!”

 

Pero sa panahon natin ngayon, hindi na sapat ‘yun. It is simply not enough. With social media and all the negativity in our society these days, sometimes that voice can easily be overwhelmed. 

What’s the challenge for us today? Especially to the TAYO finalists? 

 

Kailan nating magtulungan. Kailan nating suportahan ang isa’t isa. We need to be that voice for others as well. 

In these times, it is not enough to strengthen our inner voice. We are called to be that voice for others. We are challenged to support each other, to support those who are doing well for our country amidst all of those voices that seek to bring us down. 

 

We need to be that voice of understanding for those who have known nothing but judgment.

 

And be that voice of confidence for those that have known nothing but disappointment.

 

Be that voice of inspiration for those who are paralized by their failures.

 

We are called to speak up, for them, and not remain silent. We are called to silence the hopeless and hateful voices that weigh so heavy on the shoulders of our young countrymen!

 

As we step out of this room and back into the dim world of critics, skeptics, and defeatists, let us become the loudest voices of inspiration.

 

Let’s use our stories of hope to weave a more joyful, more passionate, more productive Philippines!

 

Maraming salamat at magandang umaga para sa inyong lahat.

Related posts