Sen. Bam: Free College is Rizal’s Legacy

Sen. Bam: Free College is Rizal’s Legacy
Ang mahusay na pagpapatupad ng ating batas sa Libreng Kolehiyo ang pinakamakahulugang parangal kay Gat Jose Rizal.
 
Sa totoo lang po, ang isa sa mga naunang nangarap ng abot-kayang edukasyon tulad ng Libreng Kolehiyo para sa mga kabataang Pilipino ay si Jose Rizal.
 
Kalidad na edukasyon para mga Pilipino ang pangarap ni Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere. “Paaralan ay siyang aklat na kinasusulatan ng hinaharap ng mga bayan. Ipakita ninyo sa amin ang paaralan ng isang bayan at sasabihin namin sa inyo kung ano ang bayang iyan.”
 
Ang pangarap ni Rizal dati nagkakatotoo na. Sa araw ni Gat Jose Rizal, bigyang buhay natin ang diwa ng ating pambansang bayani sa pagtiyak na kahit kapos ay makapagtatapos.

Related posts