Sen. Bam: Freedom for drug lords a grave injustice to over 20,000 dead

Sen. Bam: Freedom for drug lords a grave injustice to over 20,000 dead

Ano pa ang halaga ng pagpatay sa libu-libo nating kababayan, kung pakakawalan din lang ang mismong pinagmumulan ng droga? 

Ngayong pinalaya na ang drug lord na tumestigo at umamin sa kaniyang paglahok sa drug trade, may duda sa giyera kontra droga ng administrasyon.

Sa pagpapalaya ng mga nahuling drug lord, klaro na ang tokhang ay para lamang sa mga mahihirap na Pilipino at hindi para sa may pera at koneksiyon.

Ang hustisya sa bayan ay tila para sa iilan lamang at hindi para sa bawat Pilipino.

Tama na ang pagpatay sa kapwa Pilipino. Itigil na ang pagpatay sa mga mahihirap nating kababayan.

Related posts