Sen. Bam on the death of Genesis Argoncillo a.k.a ‘Tisoy’

Sen. Bam on the death of Genesis Argoncillo a.k.a ‘Tisoy’
Mahirap na naman ang biktima.
 
Tumambay lang sa tindahan, nanonood ng video sa cellphone, inaresto dahil hindi naka-tshirt. Ngayon, nakaburol na. 
 
Napakasakit nito sa kanyang naiwang pamilya at napakasakit na nangyayari ito sa ating bayan.
 
Nakakabahala pa na paiba-iba ang deklarasyon ng pulis sa dahilan ng kaniyang pagkamatay. 
 
Nakikidalamhati tayo sa mga naulila ni Tisoy. At kasama nila tayong nananawagan para sa katarungan. 
 
Mahirap na naman ang biktima.
 
Halos lahat ng mga naaresto ay mga mahirap at ang mga operasyon ay ginagawa sa mahihirap na komunidad.

Related posts