BAM'S STORY

Bata pa lang, Naninindigan na si Bam Aquino para sa Demokrasya

Mula 6 – 9 yrs. old, nanindigan na ang batang Bam-Bam para sa demokrasya at hustisya sa mga rally at protesta laban sa pang-aabuso at karahasan ng diktaduryang Marcos. (Listen to Bam-Bam's speech!)

Nakita ni Bam-Bam na lumaki mula 20-30 katao bawat protesta hanggang sa milyon-milyon na ang dumalo sa EDSA Revolution.

This showed the young Bam Aquino that Filipinos can come together and fight for something greater than themselves.

Itong People Power spirit – ang kakayahan nating magkaisa at ipaglalaban ang kapakanan at pag-unlad ng karaniwang Pilipino – ito ang hinanap at tinaguyod ni Senator Bam Aquino sa pagiging youth leader, sa pagsali sa mga organisasyon tulad ng Gawad Kalinga, sa pagtrabaho kasama ng mga microfinance NGO, kooperatiba at mga maliliit na negosyo. (Watch Sen. Bam talk about his Tito Ninoy and the People Power Revolution.)

Bata pa lang, Naninindigan na si Bam Aquino para sa Demokrasya

Three out of five of Senator Bam’s grandparents are teachers! Ang magulang ng kaniyang inang si Melanie Aguirre ay tumulong sa pagtatag ng University of Mindanao sa Davao at nag-retire sila bilang mga educator at administrator ng unibersidad.

Imbis na mag-abroad o magtrabaho sa malaking kumpanya, tinatag ni Bam ang Hapinoy para suportahan ang mga sari-sari store owners at naging Chairman din ng National Youth Commission. Kaya noong naging senador siya at Chairman ng Education Committee, sinulong ni Sen. Bam ang Batas para sa Libreng Kolehiyo bilang principal sponsor nito. Salamat sa R.A. 10931, libre na ang tuition at miscellaneous fees sa lahat ng state universities, colleges, at TESDA vocational institutions!

image2

Kaya noong high school si Bam ay nag-tutor siya ng mga public school students at nagawa pang magtapos bilang valedictorian. Sa college, ipinaglaban niya ang hinanaing ng mga estudyante bilang student council president sa Ateneo de Manila University, kung saan siya’y nagtapos with summa cum laude honors.

Malapit sa puso ni Senator Bam ang maliliit na negosyo at mga pamilyang nangangailangan ng kabuhayan

Bago pa maging senador si Bam Aquino, itinayo niya at ng kanyang kaibigan ang Hapinoy Program upang matulungan ang mga nanay na mapalago ang kanilang sari-sari store business.

Dito nakita ni Senator Bam na kayang umasenso ng mga Pilipino gamit ang maliit na negosyo kapag mayroong sapat na training, tulong at suporta – na mabibigay sana ng gobyerno! Ito ang naging inspirasyon ni Senator Bam sa kaniyang pagtakbo sa 2013 – na makapasa ng mga reporma na gagawing nationwide ang tulong para sa maliliit na negosyo tulad ng sari-sari store at street vendor.

Kaya ang unang batas na tinrabaho ni Senator Bam ay ang Go Negosyo Act na ngayon ay nagtayo na ng higit 1,000 Negosyo Centers na nagbibigay ng libreng business counseling, training, market-linkage, access to capital, at iba pang serbisyo para umasenso ang negosyo ng mga Pilipino. Tinulungan at pinrotektahan din ni Senator Bam ang mga Microfinance NGOs sa pagpataw ng malaking buwis para mas marami ang kanilang matulungang pamilya.

Tuloy ang trabaho at tuloy ang laban ni Senator Bam para sa pamilyang Pilipino!

Ngayong pamilyado na si Senator Bam, mas tumindi ang kaniyang hugot para gawing masagana ang kinabukasan ng Pilipinas. At sa patuloy niyang pag-iikot at pakikinig sa mga kababayan natin, tumitindi din ang pagnanais niyang makatulong sa pamilyang Pilipino.

Nanindigan si Senator Bam kontra sa TRAIN Law dahil alam niyang mahihirap na pamilya ang masasagasaan noong umamin ang gobyernong hindi sila handa sa taas-presyong idudulot ng repormang ito.

Patuloy naman ang pagtrabaho niya sa mga panukalang makakabuti sa pamilyang Pilipino at makakatulong sa pag-asenso ng taumbaan.

Dahil walang tigil ang pagtrabaho ni Senator Bam, mayroon na siyang higit 40 na batas sa loob lamang ng 6 na taon - para sa ikauunlad ng bayan!

Scroll to top