Bam Aquino Column

NEGOSYO, NOW NA!: Abot-Kayang Ganda

Mga Kanegosyo, sa ating pag-iikot sa Kamaynilaan at mga kalapit probinsiya, nakakaagaw sa ating pansin ang billboard ng isang beauty salon na nag-aalok ng gupit sa halagang P49.99 lang o facial na P99.99 lang.  

Ito’y si Celestino “Les” Reyes ng Reyes Haircutters. Kung matunog sa pandinig ang kanyang apelyido, ito’y dahil kapatid siya ng sikat na beautician na si Ricky Reyes.

Iba ang naging direksiyon na tinahak ni Les. Kung ang kanyang kapatid ay para sa mas mayayaman na tinatawag na class A at B, si Les naman ang naghatid ng abot-kayang ganda para sa mas marami nating kababayan.

***

Gaya ng kanyang kapatid, hindi rin naging madali para kay Les na maabot ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Noong siya’y apat na taong gulang pa lang, inabandona sila ng kanilang ama kaya naiwan siya at siyam pang kapatid sa pangangalaga ng ina.

Sa murang edad, napilitan siyang magtrabaho bilang kargador sa palengke at nagtinda pa ng sigarilyo at diyaryo para may maipantawid ang pamilya.

Sa sobrang hirap sa buhay, noong nag-aaral siya’y isang uniform lang ang kanyang ginagamit na araw-araw nilalabhan ng kanyang kapatid na si Ricky.

***

Nagbunga naman ang pagsisikap ng magkakapatid dahil unti-unti nang nakilala si Ricky sa industriya ng pagpapaganda.

Pinag-aral siya ni Ricky ng high school at college bago siya nagpunta sa Estados Unidos at doon nagtrabaho bilang gasoline boy at waiter.

Sa sampung taon niyang pananatili sa US, naging miyembro siya ng US Navy at real estate agent. Hindi naging masaya ang kanyang buhay sa ibang bansa kaya nagpasya itong bumalik ng Pilipinas.

***

Pagbalik niya sa Pilipinas, nagtrabaho siya bilang school director ng beauty school ni Ricky.

Habang ginagawa ito, sinubukan din niyang magtayo ng sariling negosyo gaya ng music lounge at sariling salon ngunit lahat ito’y hindi nagtagumpay.

Sa halip na sumuko, nagpursige pa rin si Les. Nag-isip siya ng magandang diskarte para mapansin ang kanyang salon.

Doon nagsimula ang ideya niyang magtayo ng salon na abot-kaya ang halaga para sa masa nang hindi nasasakripisyo ang kalidad.  Noon 2001 nga, binuksan niya ang Reyes Haircutters sa puhunang P10,000 at dalawampung empleyado.

Dahil sa murang presyo, agad pumatok sa mga customer sa class C, D at E ang kanyang bagong salon.

Maliban sa customer, napansin din ng ilang mga negosyante ang kanyang parlor at nagtanong kung puwede silang bumili ng franchise. Ang pagkakataong ito ang nagbukas sa kanya para palawakin ang kanyang beauty parlor.

Sa tulong ng franchising, ngayon ay daan-daan na ang parlor ni Les sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

***

Nang tanungin ukol sa susi sa kanyang tagumpay, sinabi ni Les na “hindi siya natakot na mangarap”.

Aniya, pinasok niya ang negosyong beauty parlor kahit alam niyang mahirap at masikip ang merkado para rito.

Pero nagbunga naman ang ginawa niyang hakbang dahil ngayon, patok na patok na ang Reyes Haircutters sa ating bansa!

NEGOSYO, NOW NA!: Kalabaw lang ang Tumatanda

Mga Kanegosyo, may ilan tayong kakilalang nais magsimula ng negosyo ngunit nag-aalala dahil sa kanilang edad.

Iniisip nila na baka maging dahilan ang kanilang katandaan para magpatakbo o magsimula ng isang negosyo.

Ika nga ng sikat na kanta, “It’s never too late to start all over again.”

Sa mga ganito ang pananaw, nais nating ibahagi sa inyo ang kuwento ni Julie Gandiongco, may-ari ng sikat na Julie’s Bakeshop.

Ngayon, halos kabi-kabila na ang makikita nating sangay ng Julie’s Bakeshop. Mayroon pa itong mga nag-iikot na tindero na nakasakay ng sidecar na naglalaman ng iba’t ibang uri ng tinapay.

***

Alam ninyo ba, mga Kanegosyo, sa edad na limampung taong gulang sinimulan ni Julie ang kanyang negosyo sa Cebu.

Ngunit bago rito, siya ay tumulong sa asawang si Diegs para magpatakbo ng plantasyon ng tubo ng kanilang kamag-anak sa Leyte.

Dahil maliit ang kita, nagpasya si Diegs na magtrabaho sa isang softdrinks factory habang si Julie naman ang nagsilbi niyang tagabantay ng imbentaryo at benta.

Sa hirap ng buhay, nagpasya silang bumalik sa Cebu at doon nagsimula si Julie ng maliit na tindahan at patahian ng damit.

Ngunit dahil hindi pa rin sapat ang kinikita, nagpasya si Julie na magsimula ng canteen sa isang factory ng rattan.

Isa sa mga mabiling produkto sa canteen ni Julie ay tinapay, na kanyang kinukuha pa mula sa ibang bakery.

Kaya isang panadero ang nagmungkahi na siya na mismo ang gumawa ng tinapay para hindi na magbiyahe pa.

Sa tulong ng panadero, nagsimula silang gumawa at magbenta ng tinapay. Dito na nagsimula ang Julie’s Bakeshop, na nagbukas noong 50 anyos na si Julie.

***

Dahil pumatok na ang bakery, nagpasya si Julie na itigil na ang operasyon ng canteen at tutukan na lang ang bagong negosyo.

Sa kabila ng kanyang edad, mismong si Julie ang tumutok sa operasyon ng unang branch na kanyang binuksan sa Wireless, Mandaue City.

Mula sa supply ng harina, itlog at iba pang pangangailangan, tiniyak niyang sapat na ito upang hindi mabitin sa kanilang order.  

Nang madagdagan na ang sangay ng bakeshop, kinailangan na niya ng tulong mula sa iba pang miyembro ng pamilya. Ang kanyang mga anak noon ay may sari-sariling trabaho ngunit nagpasyang tulungan ang kanilang mga magulang sa negosyo.

Mga Kanegosyo, hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil ang Julie’s Bakeshop sa kasalukuyan ay may halos 500 sangay na sa iba’t ibang bahagi ng bansa!

***

Sa edad na 75, ipinaubaya na ni Julie ang pagpapatakbo ng kanyang negosyo sa mga anak. Ginagamit na lang ni Julie ang kanyang oras sa 22 apo at pagbiyahe sa iba’t ibang lugar kasama ang asawang si Diegs.

Kung nagpatalo lang si Julie sa kanyang edad noon, hindi niya sana mararanasan ang ganitong tagumpay.

***

Tulad ni Julie, hindi tayo dapat mag-alala sa ating edad. Habang kaya pa natin, simulan ang pinapangarap na negosyo.Tandaan, kalabaw lang ang tumatanda!

NEGOSYO, NOW NA!: Negosyong Internet Shop

Mga Kanegosyo, itutuloy po natin ngayong linggo ang pagsagot sa mga katanungan na pumapasok sa ating e-mail at Facebook accounts.

Tayo po’y natutuwa sa dami ng mga pumapasok na katanungan sa ating e-mail na nagpapahayag ng interes na magtayo ng negosyo.

Ito po ang ating matagal nating isinusulong, bago pa man tayo maging senador. Nais nating mabigyan ng pagkakataon ang lahat na magkaroon ng sariling negosyo para sa kanilang ikabubuhay.

Naririto ang isa pang tanong na pumasok sa aming e-mail:

***

TANONG: Kanegosyong Bam, good morning po.  Nais ko po sanang magtanong tungkol sa mga pautang ninyo para sa negosyo. Ako po ay dating OFW sa Doha, Qatar at umuwi ako ng Pilipinas last 2009.  

Nagtayo ako ng piggery ngunit hindi nag-success dahil sa kalamidad o bagyo na humagupit sa probinsiya namin.

Sa ngayon po gusto ko sanang magsimula ng maliit na computer shop para naman makatulong ako sa pag-aaral ng mga anak ko.  Sana po ay matulungan ninyo ako.

Maraming Salamat po. Gumagalang, Arnel

***

SAGOT: Arnel, bilang tugon sa iyong katanungan ukol sa pagtatayo ng isang Internet shop, ilang beses ko nang nabanggit dito na sa pagtatayo ng negosyo, ang unang dapat tingnan ay ang lokasyon kung saan ito ilalagay.

Kung Internet shop ang balak mong itayo, maganda itong ilagay sa mataong lugar na mayroong malaking pangangailangan para rito, lalo na kung malapit ito sa paaralan.

Ngunit sa aking pagkakaalam, may mga regulasyong sinusunod ang isang Internet shop kung ito’y ilalagay mo malapit sa isang paaralan, lalo na pagdating sa oras ng pagpapapasok ng estudyante.

Pagdating naman sa puhunan, may ilan tayong tanggapan o grupo na maaaring lapitan para mautangan ng gagamiting kapital sa pagsisimula ng Internet shop.

Bilang isang OFW, maaari kang lumapit sa Land Bank dahil mayroon silang tinatawag na OFW Reintegration Program (OFW-RP).

Ito’y isang loan program para sa OFWs upang sila’y mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan upang hindi na muling mangibang-bansa.

Sa programang ito, maaari kang mangutang ng minimum na P300,000 hanggang P2 milyon.

Para sa dagdag na impormasyon, maaari mo silang tawagan sa 405-7146 at 551-2200 local 2655.

***

May isa pang tanggapan na nagbibigay ng iba’t ibang klase ng pautang at ito ay ang Small Business Corporation (SBC).

Nagbibigay ang SBC ng pautang sa micro, small and medium-sized enterprises (MSME) sa pamamagitan ng Credit Delivery Strategy.

Sa ganitong paraan, iniaakma ng SBC ang pautang batay sa potensiyal ng isang negosyo na lumago, mula sa magiging micro patungong small hanggang medium.

Matatagpuan ang kanilang tanggapan sa 17th at 18th Floors, 139 Corporate Center, 139 Valero St., Salcedo Village, Makati City. Puwede rin silang tawagan sa 751-1888 para sa detalye.

***

Ang isa pang korporasyon na nagbibigay ng pautang sa SMEs ay ang

Negosyong Pinoy Finance Corporation (NPFC).

Nagsimula ang kanilang operasyon sa Rizal ngunit lumaki na ang kanilang sakop at tumutulong na sa MSMEs sa Metro Manila, Region 2, Region 3, Region 4A at Region 7.

Ang tanggapan ng Negosyong Pinoy ay nasa 6th Floor Semicon Bldg. Marcos Highway, Brgy. Dela Paz, Pasig City. Maaari rin silang tawagan sa 358-5779. 

Sana’y magtagumpay ang iyong Internet shop!

NEGOSYO, NOW NA!: Q&A ng Kanegosyong OF

Mga Kanegosyo, muli nating sasagutin ang mga tanong na ipinadala ninyo sa amin sa aming e-mail at social media sites.

Ito’y bahagi ng ating adhikain at pangako na sisikapin nating matulungan kayo sa pagtatayo ng negosyo.

Naririto ang ilan sa mga tanong na pumasok sa ating e-mail. Hindi na po natin babanggitin ang kanilang pangalang bilang pag-iingat.

***

Isang mapagpalang araw sa inyo, Kanegosyong Bam!

Isa po ako sa mga masugid na sumusubaybay sa iyong makabuluhang kolum. Ang sarap basahin ng mga naibabahagi ninyong mga tagumpay ng ating mga kababayan.

Sa kabila ng hirap at sakripisyo nila ay laging naka-agapay ang tagumpay. Sa mga tiis at paghihintay ay darating ang tamang panahon ng tagumpay.  Ako po ay OF na nakabase dito sa Doha, Qatar ng halos walong taon na.

Nais ko po sanang malaman ang mga training schedule ninyo sa parteng Maynila o sa siyudad ng Quezon para maibahagi ko sa aking mga anak na ngayon ay nag-aaral sa kolehiyo.

Hihikayatin ko sila na makibahagi sa inyong mga pagsasanay at naniniwala po ako na malaki ang maitutulong ng inyong adbokasiya sa kaalaman ng aking mga anak at sa mga kabataang Pilipino sa larangan ng pagnenegosyo.

Mayroon po akong kaunting ipon na puwede naming mapagsimulan at sa tulong ng inyong mga trainings ay maihuhubog ang tamang kaisipan sa pagpapalakad ng isang negosyo  patungo sa tagumpay.

Nawa’y pagpalain at patuloy kayong gabayan ng Poong Maykapal.

Sumasainyo at maraming salamat,

Edward

***

Kanegosyong Edward,

Una sa lahat, nais kong papurihan ang kahanga-hanga mong kasipagan, lalo pa’t nakawalong taon ka na sa Qatar. Batid ko ang hirap ng ating mga kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay.

Kaya naman pinagsisikapan ng ating tanggapan na maituro sa ating mga kababayan, lalo na sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa, ang iba’t ibang kaalaman sa pagnenegosyo.

Sa pamamagitan nito, hindi ninyo na kailangan pang bumalik sa ibang bansa para lang may maipantustos sa pangangailangan ng inyong pamilya.

Sa kasalukuyan, ang tanging Negosyo Center sa National Capital Region ay matatagpuan sa siyudad ng Mandaluyong sa Maysilo Circle sa Plainview.

Ngunit maaari rin kayong magtungo sa ikalawang palapag ng Metro House Building sa Gil Puyat sa Makati kung saan itinatayo ang isa pang Negosyo Center. Kahit ito’y ginagawa pa, pero may mga tao na roon para tumulong sa mga gustong magnegosyo.

Sa mga susunod na linggo, inaasahan natin ang sunud-sunod na pagbubukas ng Negosyo Center sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan.

May ilan nang naka-schedule na training at seminar na binibigay ang Negosyo Center sa Mandaluyong, sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST), kabilang dito ang may kinalaman sa Food Safety Act sa March 16, June 24, Sept 24 at Nov. 16.

Mayroon din silang consultation ukol sa packaging at labeling ng mga produktong pagkain sa July 13. Maliban dito, marami pang training na ibinibigay ang Negosyo Center para sa mga nais magsimula ng negosyo.

Kaya maaaring magtungo ang inyong mga anak sa Negosyo Center sa Mandaluyong upang malaman ang iba’t ibang uri ng negosyo na kanilang puwedeng simulan at mapaunlad sa mga susunod na taon.

Sa tulong nito, puwede na kayong hindi bumalik sa ibang bansa para magtrabaho.

Gumagalang,

Kanegosyong Bam

NEGOSYO, NOW NA!: May Pera sa Ube

Mga Kanegosyo, minsan ang tagumpay sa negosyo ay hindi lang pagsisikap ng isang tao.  Kailangang din ng tulong ng ibang tao, pribadong grupo o ahensiya ng gobyerno para magkaroon ng maasahang pagkukunan ng kita.

Ganito ang kuwento ng mga magsasaka sa Brgy. Catigan sa Toril, Davao del Sur, na nagsimula bilang tenant ng mga lupaing pinagtatamnan nila ng kamatis.

Dahil mahina ang kita, nabaon sila sa utang sa mga middleman na nagdadala ng kanilang produkto sa merkado.

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang buhay noong 2006 nang magpasya ang isa sa mga may-ari ng lupa na ibigay na lamang sa kanila ang lupa.

***

Pumasok ang Gawad Kalinga at nagtayo ng mga bahay doon. Maliban dito, pinalakas din ng GK ang pagsasaka at tinuruan pa sila ng mga modernong pagsasaka.

Nagkataong naghahanap ng lupaing may malamig ang klima ang ilang malalaking negosyo para makapagtanim ng kamoteng ube.

Akmang-akma ang kanilang lupain para sa ube kaya namuhunan sa plantasyon ng ube at nangakong bibilhin ang ani ng mga magsasaka ng nasabing negosyo.

***

Hindi nagtagal ang malaking kumpanya at umalis din sa kanilang partnership.

Patuloy na umasa ang mga magsasaka sa kanilang ube. Patuloy silang nangarap na balang araw ay may bibili ng kanilang tanim na ube.

Tamang-tama at dumating ang Purple Passion para tulungan ang komunidad ng mga magsasaka.

Sinimulan nila ang Enchanted Jams.  Kumuha sila ng farming technician na nakagawa ng paraan kung paano aani ng ube ng buong taon.

Maliban sa pagbili ng ube sa mga magsasaka, binigyan din ng Purple Passion ang mga asawa ng mga magsasaka ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagtuturo ng paggawa ng jam na kanilang ibebenta.

Ngayon, maliban sa pagbebenta ng kanilang produkto sa iba’t ibang bahagi ng Davao, nagsu-supply din sila sa isang bakery ng 100 kilo ng ube jam kada buwan.

Tinitingnan din nila kung magiging mabenta ang powdered ube. May naghihintay ng exporter sa kanila upang bilhin ang kanilang produtko at dalhin sa ibang bansa ito.

***

Nakakatuwa ang kanilang kuwento, mga Kanegosyo.

Ang mga magsasakang dating naghihirap ay nagkaroon sila ng regular na kita at pangkabuhayan para sa kanilang mga pamilya.

Ang maganda sa kuwentong ito, maraming mga tao at grupo ang nagtulong-tulong sa ikatatagumpay ng negosyo.

Maliban sa Gawad Kalinga, nakatulong din ang Department of Science and Technology (DOST) sa pagbibigay ng training sa paggawa ng jam.

Nagbigay naman ang Department of Agriculture (DA) ng isang processing facility, isang cacao nursery at greenhouse para sa pagtatanim ng gulay upang magamit nang husto ang lupain.

Sa bahagi naman ng Department of Trade and Industry (DTI), binigyan sila ng kagamitan sa paggawa ng ube powder at kinonekta sila sa mga exporter na handang bumili ng kanilang produkto.

***

Kaya sa mga nais magnegosyo, huwag tayong matakot lumapit at humingi ng tulong sa mga mabubuting pribadong organisasyon gaya ng Gawad Kalinga, mga microfinance institution at mga ahensiya ng pamahalaan.

Makatutulong sila para mapalago ang ating negosyo at makapagbigay ng kabuhayan sa komunidad!

Driving Philippine taxis forward

As you read this, there might be yet another story about an altercation between a passenger and a taxi driver.

I find this quite startling because back in the day, when I rode taxis to get to and from meetings, I had great experiences traveling around the Metro and even looked forward to picking up some wisdom from my driver’s many stories.

Reports these days are worrying to the riding public as many have expressed their discontent with their taxi experiences on social media, even filing complaints to the LTFRB.

It seems the relationship between driver and passenger has turned toxic, exacerbating the already infuriating issue of Metro Manila traffic.

Frustrated taxi drivers, scraping for sufficient pay, unload their dissatisfaction on passengers and, in turn, passengers become increasingly suspicious and more likely to shift to ride-sharing – the taxi industry’s new archenemy.

However, all is not lost on this front and there are still stories of pleasant cab experiences circulating on the Web. Stories like that of Mr. Eugenio Estrella, a 63-year-old taxi driver who takes any passenger and even refuses tips, has garnered over 100,000 shares on Facebook.

This is in direct contrast to the stories of drivers berating passengers and is, instead, an example of what a Filipino driver could and should be. Well-mannered cab drivers who value their passengers and play by the rules should be the norm rather than the exception.

But a lot of drivers have long been complaining about insufficient income for the amount of time and energy they spend chauffeuring passengers.

They earn their pay through the boundary system with a ‘boundary’ or set quota paid to the taxi company, which ranges from P1,200 to P1,700 every 24 hours depending on the make of their vehicle. On top of this, they also assume the fuel and other daily expenses.

Taxi drivers have no choice but to work for as many hours as they can in a day to shoulder the boundary and gas expenses while still earning enough to sustain their family.

The boundary system has long ruled the Philippine public transport arena – an area in our development that, we all know, leaves much to be desired. Perhaps it is time to rethink the system and introduce effectual reforms.

Today, there is an undercurrent of Filipinos waiting to see change in the industry and are eager to adopt new technologies and systems, even willing to pay a premium for convenience and security.

To improve the Philippine taxi experience and to ensure the security and convenience the riding public is clamoring for, drivers must be offered a fair shake through a fair process.

Finally, with the advent of ridesharing services, we are seeing novel income arrangements as drivers and car-owners utilize profit-sharing or percentage-of-revenue schemes that are favorable to both parties.

Perhaps this is why we see Filipinos gravitating to ridesharing services like Uber and GrabCar; because they offer an innovative system, security, convenience, and satisfaction to passengers while providing a better option for our drivers.

When we look at the rise of new systems to replace the old, there is a period of resistance wherein proponents of the old system fight any form of change.

But through this tension, we can also hope for a period of realization where there is recognition of the need to rid longstanding structures of the pieces that hold it back from keeping relevant with the times.

Maybe with more equitable sharing systems for drivers, the end benefit will be to the riding public – that they can finally enjoy a safe, reliable, and comfortable commuting experience.

First Published on Manila Bulletin

NEGOSYO, NOW NA!: Giyera ng mga Tsaa

Mga Kanegosyo, paksa ng ating nakaraang kolum ang “Bayani Brew” ni Ron Dizon, na isa sa pumapatok na produktong inumin sa bansa ngayon.

Ngayon, tatalakayin naman natin ang mga hamong hinarap ni Ron at kanyang mga kasama upang maihatid ang kanilang produkto sa mga outlet at maabot ang mamimili.

Bilang kumpanyang nagtitinda ng inumin, aminado si Ron na isa sa mga hamon ay ang kawalan nila ng sariling tindahan o stall.

Kaya malaking bagay ang relasyon nila sa mga partner outlets, lalo na ang malalaking clients.

Aniya, malaking bagay din ang tulong ng kapwa social entrepreneurs at kapwa mga bagong negosyante upang maipakilala ang kanilang produkto.

Mas maganda sa ibang partner, kaunting patong lang sa orihinal na presyo ang kanilang inilalagay sa produkto upang maakit pa ang mamimili na tikman ang “Bayani Brew”.

Isa sa mga haligi ng “Bayani Brew” ay ang kanilang distribution system, na sa ngayon ay kinakaya nilang gawin sa tulong ng isang van.

Dati, kung may usapang toll fee na, hirap sila sa pagde-deliver ng kanilang produkto sa malalayong lugar.

Ngayon, nakahanap na rin sila ng mga partner na magdadala at magbebenta ng produkto sa Metro Manila, Cebu at Davao.

***

Isa rin sa target nila ang maipakalat ang produkto sa buong Pilipinas at madala ito sa ibang bansa.

Sa ngayon, malaking hamon ang dalawang buwang shelf life ng “Bayani Brew” na nagiging hadlang sa pagdadala ng produkto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pero pinag-iisipan na nilang makipagtulungan sa mga probinsiya upang doon na mismo gawin ang kanilang iced tea.

Sa pamamagitan nito, mas madali na ang pagdadala at distribution ng produkto hanggang sa malalayong lugar sa bansa.

Pinag-aaralan na rin nila ang pagkakaroon ng iba pang flavor na mula rin sa lokal na mga halaman.

 

***

Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng “Bayani Brew,” natupad niya ang pangarap na tumulong sa maraming manggagawa, lalo na sa magsasaka.

Sa kanilang kumikitang pangkabuhayan, buong taon na ang kita ng mga magsasaka dahil madali lang itanim at tumubo ang tanglad at talbos ng kamote.

Ang maganda pa rito, ang pagtatanim ng tanglad at talbos ng kamote ay puwedeng isabay ng mga magsasaka sa kanilang karaniwang tanim gaya ng palay o mais.

***

Sa kabila ng mga pagsubok, hamon at hirap, wala siyang katiting na pagsisisi nang umalis siya sa IT company at sinimulan ang “Bayani Brew”.

Aniya, punumpuno ng kagalakan ang kanyang buhay sa ngayon, lalo pa’t marami siyang natutulungang mga tao sa pamamagitan ng kanilang negosyo!

When trolls and propagandists occupy the Internet

My name is Bambi and I am a young street dancer awakened by the twerking movement of the 70s… That is, according to Wikipedia before we changed the text back to my true, albeit less vivacious, biography.

Apparently, I have what is now known as an Internet troll changing my Wikipedia page regularly.

My troll made me a Ninja Turtle a few times in the past and, though that is extremely flattering, I unfortunately don’t have the martial arts skills to back it up.

In the curious case of Bam’s Wikipedia page, the untruth is so outrageous that it’s clearly unbelievable.

But in other cases, it is not so easy to distinguish fact from fiction or, dare I say, propaganda.

These days, there are people whose job is to sway public opinion on social media, whether it’s a strategic communications campaign or a swarm of troll accounts flooding a comments section.

While creativity and innovation in marketing and communications is more than welcome, untruth and ill intentions are not easily detected.

The biggest phenomena of the Internet age, social media and search engines, incorporate paid advertising to the user experience and now, money can buy eyeballs as well as people to produce bots and troll accounts to post, like, share, and comment incessantly. Click on a regular troll on any popular Facebook page and you may find him or her lacking a true identity.

Online manipulation

This is a difficult pill to swallow when a large part of me prefers to engage people who genuinely agree or disagree, and are not being paid to do so.

There is a lot of manipulation happening online.

A far cry from the free marketplace of ideas that we envisioned the Internet to be, it has transformed into a lawless arena where gladiators compete for our likes, shares, eyeballs, clicks, and money by whatever means possible.

When we first discovered the World Wide Web, people celebrated the idea that anyone and everyone could use it as a venue to speak out, to share information, to formulate opinions and generate insightful discussions.

We found a space without propaganda or advertising, free from the control and influence of powerful politicians and wealthy businesses.

Today, what we have is a battleground of messages ceaselessly pushing us to buy a product, watch a video, share a meme, or vote for a particular candidate.

The boon and the bane of the Internet is the freedom it provides. Anyone can share information and go viral like the Al-Dub phenomenon and our DOTA2 related post about Team Rave that was shared 3,445 times!

This freedom also allows anyone to mask lies as truth and post it a hundred times from a hundred different accounts until it worms into your psyche.

Campaign season

So how do we take back the Internet?

Should we look at regulation to control trolling or do we leave it up to the websites to ban abusive language and verify identities?

Do we just tune out when confronted with abrasive comments, potentially ignoring opposing ideas that are worth our consideration?

Do we doubt everything we see online and limit our network to a curated circle, wasting the potential of an open, diverse, unpredictable debate?

Will we end up restricting our use of the Internet to that of self-expression?

How do we take the Internet back from the paid trolls and propagandists, especially during the campaign season where candidates have the machinery to invade both traditional and social media?

In our case, we take back our Wikipedia page by checking it everyday and updating it as often as possible. Perhaps, as users, more diligence is required when absorbing information.

Maybe there is a need to evolve our thinking – to be more analytical, to sift through the barrage of messages on the World Wide Web before we come to our own conclusions.

Bambi’s fearless forecast? The more trolls and propagandists attempt to take the Internet away from us, the more we will put up our own filters, exclude them from our circles, take their comments with a pinch of salt and heaps of humor, and find ways to generate free and open spaces for genuine dialogue and exchange of ideas.

First Published on Rappler.com

NEGOSYO, NOW NA!: Tsaang Pambayani

Mga Kanegosyo, sa nakaraan nating kolum, napag-usapan natin ang tungkol sa innovation at ang kahalagahan nito sa ikatatagumpay ng negosyo.

Isa sa magandang kuwento ng innovation ay ang Bayani Brew, na sinimulan ni Ron Dizon noong October 2012 kasama sina Xilca Alvarez at Shanon Khadka.

Kamakailan ay nakakuwentuhan natin si Ron at ibinahagi niya ang kanilang karanasan sa pagnenegosyo.

***

Isa siyang manager sa isang multinational IT company sa loob ng siyam na taon kaya wala sa dugo niya ang pagiging social entrepreneur.

Gusto niyang makapasok sa isang trabahong makatutulong sa marami, lalo na sa nangangailangan. Doon pumasok sa kanya ang konsepto ng social entrepreneurship.

Mga Kanegosyo, bago marahil sa marami ang social entrepreneurship. Ito’y isang uri ng pagnenegosyo kung saan sabay na kumikita ang negosyo pati ang mga komunidad na tinutulungan nito.

Bago tayo naging senador, isa tayong social entrepreneur. Tumutulong ang itinayo nating negosyo sa mga nanay na may-ari ng mga sari-sari store na palakihin ang mga ito noon.

***

Mabalik tayo kay Ron.  Nag-research siya tungkol sa kung ano ang social entrepreneurship at nalaman niyang marami palang grupong may kinalaman sa ganoong uri ng pagnenegosyo sa bansa at maraming nagbibigay ng seminar at forum tungkol dito.

Una niyang pinuntahan ang Center for Social Innovation ng Gawad Kalinga. Doon niya nakilala ang marami pa na hindi nabibigyan ng atensiyon at hindi napapakinggan ang kuwento.

Sa laki ng inspirasyong nakuha niya, umalis siya sa trabaho at nag-volunteer sa Gawad Kalinga.

Doon niya natuklasan ang “tsaang bukid,” na gawa sa lokal na sangkap, na ibinibigay ng mga komunidad sa mga bumibisita sa farm.

Ang isang uri nito ay pinagsamang tanglad at pandan at ang isa naman ay mula sa talbos ng kamote.

Nagkaroon siya ng ideya mula sa panukala ni Gawad Kalinga founder Tito Tony Meloto, na i-package ang “tsaang bukid” sa isang bottled iced tea na patok sa mga mamimili.

Sa paraang ito, makatutulong ng malaki sa mga magsasaka na nagtatanim ng tanglad, pandan at talbos ng kamote.

Sa una, iba-iba ang ginawa nila bago tuluyang naisa-pinal ang mga ibebentang flavor sa merkado.

***

Nang mabuo nina Ron, Xilca at Shanon ang sangkap para sa ibebentang tsaa, doon na nabuo ang “Bayani Brew”.

Maliban sa sangkap, tinutukan din nina Ron ang packaging ng “Bayani Brew” upang gumawa ito ng marka na dominado ng iba’t ibang produktong iced tea.

Inilagay din ng tatlo ang logo ng “Bayani Brew” sa disenyo ng bote ng produkto upang lalo pang makilala na ito’y gawa sa Pilipinas.

Nakatataba ng puso na mayroon isang produkto sa merkado na iced tea na galing sa mga komunidad natin ang mga sangkap, hindi gaya ng iba na mula sa ibang bansa ang ingredients.

Dagdag pa rito, maraming magsasaka ang nabibigyan ng kabuhayan dahil sa kanila direktang kinukuha ang sangkap na gamit ng “Bayani Brew”.

NEGOSYO, NOW NA!: Bagong Taon, Bagong Produkto

Mga Kanegosyo, isang manigong bagong taon sa ating lahat!

Sana’y naging mabuti at matagumpay ang inyong 2015 lalo na sa pagnenegosyo.  

Ngayong 2016, harapin natin ito ng may positibong pananaw at pag-asa na lalong lumago ang ating mga pangkabuhayan para maabot natin ang mga pangarap natin at ng ating pamilya!

***

Noong Disyembre, muli nating nakausap si Mon Lopez, ang executive director ng Go Negosyo, sa ating programang “Status Update”.

Kamakailan, sinabi niya na naging partner ang Go Negosyo sa katatapos na APEC SME Summit.

Ito ang pagpupulong ng 21 pinuno ng mga ekonomiya sa buong mundo na ginawa rito sa ating bansa.

Isang karangalan para sa ating mga Pilipino ang pangyayaring ito dahil muli na naman tayong kinilala ng iba’t ibang lahi sa ating lumamalago at umuunlad na bansa.

Sa mga hindi nakakaalam, mga Kanegosyo, isa sa mga naging tampok ng nasabing pulong ang pagbibigay diin sa kahalagahan ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) o ang maliliit na negosyo sa kaunlaran ng bansa.

Sa isang joint communiqué sa pagtatapos ng APEC Summit, kinilala ng 21 APEC leaders ang kahalagahan ng MSMEs sa paglaban sa kahirapan at malawakang kaunlaran at nangakong magtatrabaho para sa globalisasyon nito.

***

Sa kuwento ni Mon, isa sa mga napag-usapan sa APEC SME Summit ay ang kahalagahan ng innovation o pagiging iba ng isang produkto upang maging angat sa mga kakumpitensiya sa merkado.

Ayon sa kanya, kailangang kakaiba ang isang produkto upang makaungos sa iba. Aniya, ang pagiging makabago at malikhain ang sagot sa pag-angat ng produkto.

Mahalaga ito lalo pa’t masikip na ang kumpetisyon sa lokal na merkado, kung saan gitgitan ang labanan sa pagitan ng mga negosyanteng Pinoy.

Mahigpit na nga ang kumpetisyon sa pagitan ng lokal na negosyante, pinasukan pa ito ng pumapasok na imported na produkto lalo na sa pagbubukas ng ating mga merkado sa buong mundo.

Napag-usapan namin ni Mon na napakahalaga ang innovation – ang paglalagay ng “bago” o “pagkakaiba” sa ating mga produkto para pumatok sa mamimili.

Nasa packaging man iyan, nasa bagong flavor, nasa kulay, nasa pinagsamang serbisyo, basta kakaiba na kikiliti sa imahinasyon ng mamimili, siguradong tatangkilikin ito ng ating mga kababayan, o kaya pati ang mga dayuhang mamimili pa!

Kung hindi ito mangyayari, malulunod lang tayo sa dami ng produkto sa merkado.

Mga Kanegosyo, sinabi naman namin ni Mon na likas na malikhain ang mga Pinoy at malikot ang mga isip na siyang magagamit natin para patuloy nating gawing kakaiba ang ating mga produkto’t serbisyo.

***

Bilang tulong sa pagpapaunlad ng innovation, isinagawa ng Go Negosyo, sa tulong ng US Embassy, ang programang Youth Entrepreneurship Development, isang tatlong araw na workshop sa iba’t ibang lugar.

Sa nasabing workshop, itinuro sa mga kabataan ang tamang hakbang sa pagsisimula ng negosyo, kabilang na ang kahalagahan ng innovation at kung paano mapapaganda ang positioning para maging angat sa iba.

Tuluy-tuloy ang pagtuturo ng Go Negosyo sa makabago at nagsisimulang negosyante.

Nariyan din ang mga Negosyo Center na itinayo natin para tumulong sa mga nais magtayo ng sariling pangkabuhayan ngayong darating na taon.

Kayo, mga Kanegosyo, ano ang makabago at kakaibang produkto o serbisyo na inyong naiisip? 

Scroll to top