National Housing Authority (NHA)

BIDA KA!: Ospital para sa batang Pinoy

Sa ganitong uri ng transaksyon, isang salita ang pinanghahawakan at tiwala sa kausap ang kailangan.

Ngunit hindi ganito ang nangyari sa usapang kaliwaan sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at Department of Health (DOH) na pinasok noon pang 1992.

Nagkasundo noon ang DOH at NHA na magpalitan ng kani-kanilang ari-arian sa Cebu at Quezon City na may sukat na 5.9 ektarya at 6.4 ektarya, ayon sa pagkakasunod.

Subalit isang bahagi lang ng kasunduan ang naipatupad dahil habang naipamahagi na ng NHA ang Cebu property sa pamamagitan ng socialized housing, hindi naman nailipat sa DOH ang pagmamay-ari ng lupain sa Quezon City.

Sa salitang kanto, parang nagkaroon ng malaking panggu­gulang sa sitwasyong ito. Habang naipamudmod na ng NHA ang lupaing ipinagpalit para sa ari-ariang kinatitirikan ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC), wala namang napala ang DOH sa transaksyon.

Ngayon, kabado ang opisyal ng PCMC dahil nasimulan nang ipagbili ng NHA ang isang bahagi ng lupain sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), na isa ring ahensya ng pamahalaan.

Dahil hindi pa hawak ng PCMC ang titulo ng lupa, hindi matuluy-tuloy ang balak na private-public partnership na sana’y magpapaganda sa ospital na nagseserbisyo sa 70,000 batang pasyente kada taon, na karamihan ay galing sa mahihirap na pamilya.

Upang maplantsa na ang gusot na ito, naghain tayo ng Senate Resolution 266 na layong pagsama-samahin sa iisang mesa ang mga kaukulang ahensya gaya ng NHA at DOH at resolbahin ang isyu ng pag-aari sa PCMC.

Sa huling pagdinig ng Senate Committee on Health ukol sa aking resolusyon, humarap si NHA general manager Chito Cruz at iba pang mga opisyal ng ahensya upang sagutin ang isyu.

Dumalo rin ang mga opisyal at mga empleyado ng PCMC, sa pangunguna ni executive director Julius Lecciones, upang ibigay ang kanilang panig, kasabay na rin ng hiling na resolba­hin na ang isyu.

Sa pagdinig, iginiit ng NHA na kanila pa rin ang ari-ariang kinatatayuan ng PCMC dahil hindi nagkaroon ng buong pagpa­patupad ng kasunduan.

Subalit sinabi ni Cruz na handa ang NHA na ilipat ang ari-arian sa DOH kung maglalabas ang Department of Justice (DOJ) ng opinyong legal na nagsasabing dapat ipatupad ang naunang kasunduan.

Mahalaga ang tiwala sa isang usaping kaliwaan. Nagti­tiwala ang magkabilang partido sa isa’t isa na tutuparin nila ang kanilang mga ipinangako.

Nagtitiwala tayo na magagawan ng paraan ng NHA ang isyung ito pagkatapos ilabas ng DOJ ang kanilang opinyon upang maging magandang pamasko ito hindi lang para sa opisyal at empleyado ng PCMC kundi pati na rin sa mahihirap na batang Pinoy na nakikinabang sa libre at de-kalidad na serbisyo.

First Published on Abante Online

Sen. Bam to Gov’t Agencies: Work Together to Save Children’s Hospital

Senator Bam Aquino has filed a resolution “urging” government agencies “to work collaboratively” to quickly resolve the land ownership issue of the Philippine Children’s Medical Center (PCMC) and “focus on treating children.”

Senate Resolution No. 66 “[expresses] the sense of the Senate urging the appropriate agencies to work collaboratively in the immediate resolution of the issue of ownership of the land currently occupied by the Philippine Children Medical Center with the end view of protecting the basic right of children to health services.”

The PCMC recently faced possible “eviction” by the National Housing Authority (NHA), which currently owns the 3.4-hectare property on which the PCMC stands. According to reports, the PCMC treats over 60,000 patients annually, most of whom are children from poor families.

Sen. Aquino said, “Hindi na dapat pinoproblema ng ating mga government hospitals kung mae-evict sila o hindi. Ang dapat na pinoproblema nila ay ‘yung mga pangangailangan ng mga pasyente. In the case of the PCMC, ang kapakanan ng mga batang tinutulungan nila ang dapat nilang tinututukan.”

“The resolution urges the different agencies to talk and settle the issue already. Hindi talaga maganda na ang isang ahenisya ng gobyerno ay pinapaalis ng isa pang ahensiya ng gobyerno—in this case, ospital pa ng mga bata,” Sen. Aquino reiterated.

The lawmaker also said that he was willing to help push for “long-term solutions” to the land ownership problem of public hospitals and public schools, through Senate hearings or through legislation.

“In the meantime, be assured that there will be no eviction happening to the PCMC,”Sen. Aquino announced.

Scroll to top