Month: June 2015

BIDA KA!: RescYouth

Pagkatapos tumama ng bagyong Yolanda, ilang oras din tayong na­ging bulag sa tunay na kondisyon sa ground zero.

Maliban kasi sa putol ang linya ng mga kuryente at telepono, nasira rin ang lahat ng uri ng komunikasyon kaya walang makalabas na anumang impormasyon.

Galit ang aking naramdaman dahil gusto ko mang magpahatid ng agarang tulong, wala tayong ideya sa tunay na sitwasyon sa mga nasabing lugar.

Nakahinga lang ako nang maluwag makalipas ang ilang araw nang makatanggap tayo ng impormasyon mula mismo sa ating mga kaibigan sa mga nasabing lugar.

Kaya hindi na tayo nag-aksaya ng panahon. Agad nakipag-ugnayan ang ating tanggapan sa mga kaibigan, shipping companies at Department of Social Welfare and Development para mabilis na makapaghatid ng tulong.

Sa karanasang ito, doon ko nakita na kahit ano pa ang pangyayari – maging ito man ay gawa ng kalikasan, Act of God o likha ng tao – kayang malampasan kung magtutulung-tulong ang lahat.

Mas mabilis ang paghahatid ng tulong at mas madali ang pagbangon kung tayo’y magsasama-sama at kikilos sa isang direksyon.

***

Ito ang ideya sa disaster risk reduction (DRR) consultation at workshop na ginawa ng aking tanggapan kamakailan sa Balamban, Cebu.

Tinaguriang ‘RESCYouth: Responsive, Empowered and Service-Centric Youth,’ ang dalawang araw na workshop ay ginawa sa RAFI Kool Adventure Camp at nilahukan ng humigit-kumulang 100 kabataan mula sa iba’t ibang organisasyon sa buong bansa.

Sa nasabing workshop, nagtipon ang iba’t ibang grupo ng mga kabataan na bihasa sa DRR at nagkaroon ng palitan ng ideya at mungkahi ukol sa mga makabagong sistema at mga programa tuwing may kalamidad.

Sa workshop ding ito, nabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok na puwede nilang ibahagi sa kani-kanilang komu­nidad upang magamit nila sa paghahanda at habang may kalamidad o anumang pinsala.

Nagbahagi si Mang Tani Cruz, ang meteorologist ng GMA News, kung paano nila kinukuwento ang mga isyu ng climate change sa taumbayan at ang mga epekto nito.

Tinalakay naman ni Mayor Sandy Javier kung ano ang mga ginawa nilang hakbang para mapaghandaan ang Bagyong Yolanda sa Javier, Leyte, kabilang ang forced evacuation para mailigtas ang lahat ng tao sa kanilang komunidad.

Ikinuwento ni Mark Lawrence Cruz ng Gawad Kalinga ang pagtitipon ng mga miyembro ng komunidad para sa kanilang relief operations at nang masiguradong lahat ay mabigyan nang aga­rang tulong.

Naging mabunga ang nasabing workshop dahil mula sa palitan ng ideya at mungkahi, ang mga kalahok ng mga programang makatutulong para mapaganda pa ang kasalukuyang sistema pagdating sa DRR.

Nangako naman ang mga kalahok na dadalhin ang mga programang ito sa kani-kanilang organisasyon at mga komunidad para maipakalat sa mas marami pang tao.

Maliban pa rito, nagkaroon din ng mas matibay na ugnayan ang mga organisasyon, lalo na sa palitan ng kaalaman at impormasyon pagdating sa DRR.

Ang mga nasabing grupo ang gagamiting sentro ng suporta ng aming tanggapan tuwing may kalamidad.

***

Kabilang sa mga lumahok sa workshop ay ilang grupo na ma­laki ang ginampanang papel sa rescue at relief operations noong Bagyong Yolanda.

Kabilang dito ang Rescue Assistance Peacekeeping Intelligence Detail o RAPID, na naging first responders sa Tacloban City.

Malawak na ang karanasan ng RAPID pagdating sa rescue at relief operations. Isa sila sa mga grupong tumulong nang magbanggaan ang dalawang barko sa Cebu noong 2013.

Tuwing may sunog, inaasahan din ang mabilis na pagresponde at paghahatid ng tulong ng RAPID.

Susi sa mabilis na pagtugon ng RAPID ang pagkakaroon nila ng ugnayan sa Philippine National Police (PNP).

Dumalo rin sa workshop ang Hayag Youth Organization na na­kabase sa Ormoc City.

Mula nang itatag noong 1985, naging mis­yon na ng grupo ang magturo ng swimming, disaster preparedness, first aid at maging open water safety training sa mga kabataan sa lungsod.

Kaya nang tumama ang Bagyong Yolanda, walang naitalang namatay sa hanay ng mga kabataan sa Ormoc City na lumahok sa programa ng Hayag.

Dahil sa programa ng Hayag na ‘Langoy sa Kaluwasan’, kinilala sila bilang isa sa Ten Outstanding Youth Organizations (TAYO) noong nakaraang taon.

***

Naniniwala ako na kapag tayo’y nagsama-sama, matatalo natin ang pinakamalalaking problema sa ating bayan, ma­ging ito man ay kalamidad o sakuna.

Kapag natugunan na natin ang problema sa kalamidad, maaari na tayong kumilos para solusyunan ang iba pang suliranin tulad ng gutom, kawalan ng edukasyon at kahirapan.

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Alaala ng Bagyong Yolanda

Aabot naman sa halos P100 bil­yon ang halaga ng ari-ariang sinira ni ‘Yolanda’, kabilang na ang mga mahalagang imprastruktura at kabuhayan ng libu-libong katao.

Nag-iwan man ng malaking pinsala ang Yolanda, hindi nito nagiba ang tapang, pag-asa at pananalig sa Diyos ng mga Pilipino.

Katunayan, sampung araw lang pagkatapos ng hagupit ni Yolanda, nagsagawa agad ang daan-daang residente ng Tolosa, Leyte ng isang prusisyon.

Bitbit ang iba’t ibang imahen ng Sto. Niño, nagpakita ang mga residente ng matibay na pananampalataya at bagong pag-asa sa harap ng matinding pagsubok na kanilang nararanasan.

Kinilala ang larawang ito ng Time Magazine bilang isa sa pinakamagandang kuha noong nakaraang taon at nagwagi rin ito bilang ‘photo of the year’ sa iba’t ibang kumpetisyon.

Ngunit higit pa rito, ang larawang iyon ay tumatak at nagsilbing magandang inspirasyon sa mga Pilipino para magtulung-tulong at muling tumayo.

***

Sa paghagupit ng bagyong Yolanda, muling umusbong ang diwa ng pagtutulungan at bayanihan na likas sa ating mga Pili­pino.

Maliban sa pamahalaan, kabi-kabilang korporasyon at non-government organization ang nagpaabot ng tulong upang maibalik sa normal ang kalagayan ng mga nasalanta ng Yolanda.

Halimbawa na rito ang Project Bagong Araw, sa pamumuno ng programang Hapinoy, na aking itinayo ilang taon na ang nakalipas.

Dalawa sa mga natulungan ng programang ito ay sina Aling Weni ng Palo, Leyte at Aling Rena ng Tacloban, na parehong nawalan ng kabuhayan sa pagtama ng bagyo.

Noong una, parang pinagsakluban ng langit at lupa ang dalawa. Nag-aalala kung paano bubuhayin ang kani-kanilang pamilya ngayong nawala na ang kanilang pagkukunan ng ikabubuhay.

Sa tulong ng Project Bagong Araw, nabigyan ng pagkakataon sina Aling Weni at Aling Rena na maitayo ang kani-kanilang kabuhayan.

Maliban sa puhunan, nagkaroon pa sila ng dagdag na kaa­la­man sa tamang pagpapatakbo ng negosyo na kanilang nagamit para mapalago ang kanilang mga tindahan.

Sa kasalukuyan, nabayaran na ni Aling Weni ang lahat ng kanyang utang at ngayo’y nagsisimula na ng e-loading business. Gamit ang kanyang natutunan, si Aling Rena naman ay unti-unti nang nakakapag-ipon para sa planong Internet café.

Sina Aling Weni at Aling Rena ay dalawa lang sa magandang halimbawa ng pagiging matatag sa harap ng matinding pagsubok. Napatunayan lang na kaya ng sinuman na makatayo sa sariling paa sa pamamagitan ng tamang suporta at pagkakataon.

***

Matinding pagsubok man ang tumama sa bansa, hindi pa rin nagiba ang mala-pader na dibdib ng mga Pilipino.

Sa katunayan, humanga ang maraming dayuhan at international organization sa katatagan ng mga nasalanta ng Yolanda.

‘Ika nga ni CNN reporter Anderson Cooper: “Can you imagine the strength it takes living in a shack, to be sleeping on the streets next to the body of your dead children? Can you imagine that strength? I can’t. And I’ve seen that strength day in and day out here in the Philippines.”

Marami pang kailangang gawin para maibalik sa normal ang buhay sa mga lugar na binayo ni Yolanda.

Kailangang magtulungan at magsama-sama ang lahat ng mga sektor – pambansa at lokal na mga pamahalaan, mga negos­yante, mga simbahan at mga socio-civic organizations – upang mas mapabilis pa ang rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan.

Ang pag-asa na mangyayari ang mga ito ay maaaninag natin sa puso ng mga Pilipinong nasalanta na patuloy sa paglaban at pagkayod para sa kanilang mga pamilya.

 

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Safety tips sa Undas

Mga Bida, ngayon pa lang, marami sa ating mga kababayan ang uuwi ng mga probinsya at da­dag­sa na sa mga sementeryo bilang paghahanda sa Undas sa Sabado.

Nakaugalian na kasi nating linisin at pinturahan ang puntod ng ating mga mahal sa buhay bago pa man dumating ang Nobyembre 1.

Tiyak na makapal na ang mga sasakyan sa mga kalsadang palabas ng Metro Manila at patungo sa mga lalawigan.

Gaya rin ng nakaugalian, marami sa atin ang ngayon pa lang ay mamimili ng mga dadalhin sa sementeryo, tulad ng kandila, bulaklak, pagkain at marami pang iba.

May ibinababang suggested retail price ang pamahalaan sa kandila tuwing Undas ngunit wala para sa mga bulaklak.

Nakabatay kasi ang presyo ng bulaklak sa dikta ng merkado pati na rin sa dumarating na supply mula sa lalawigan gaya ng Benguet.

Upang makaiwas sa mga manggagantso, maging mapagbantay tayo sa kalidad at presyo ng mga bibilhing bulaklak, kandila at iba pang produkto nang maging makabuluhan ang ating Undas ngayong taon.

Maaari nating iparating sa Department of Trade and Industry (DTI) ang anumang reklamo sa mabibili nating produkto na mababa ang kalidad o sa mapandarayang negosyante.

***

Maraming panganib ang nakaamba sa panahon ng Undas, mula sa ating pagbiyahe hanggang sa pananatili natin sa mga sementeryo. Pati na rin ang mga bahay na ating iiwan ay bukas din sa anumang panganib.

Kaya nangalap ang ating tanggapan ng iba’t ibang safety tips na maaaring magamit ng ating mga kababayan para sa mas ligtas na paggunita sa alaala ng ating mga mahal sa buhay.

Hayaan ninyong ibahagi ko ang safety tips na ito para sa ating kaligtasan, pati na rin ng ating mga ari-arian.

 

Bago iwan ang bahay:

*Patayin ang kuryente sa fuse box/breaker nang hindi masunugan.

*Huwag mag-iwan ng nakasinding kandila.

*Tiyaking nakasara ang kalang de-gas.

*Siguraduhing nakasara ang mga gripo ng bahay.

*Siguraduhing nakakandado ang mga pinto at bintana para ‘di manakawan.

 

Sa bibiyaheng may sasakyan:

*I-check ang brake, mga ilaw, langis, tubig at gas ng sasakyan, at hangin ng gulong.

*Magdala ng isa pang gulong, jack, early warning device at akmang tools ng sasakyan.

*Huwag mag-overload at ilagay nang maayos ang mga gamit lalo na kung nasa itaas ng sasakyan.
Sa bibiyahe:

*Bumili kaagad ng tiket nang hindi maubusan.

*I-charge ang mga cellphone.

*Dumating nang maaga sa pantalan o terminal nang hindi maiwan ng sasakyan.

*Laging ingatan ang tiket.

*Magdala lamang nang kaunting gamit.

*Iwasang magsuot ng alahas.

*Laging bantayan ang mga gamit.

*Maging alisto sa mga magnanakaw.

*Magdala ng tubig at pagkain para sa biyahe.
Sa pupunta ng sementeryo:

*Magpunta nang maaga sa sementeryo at puntod.

*Magdala ng payong, pamaypay, tubig, pagkain at damit pampalit.

*Iwasang magdala ng matatalas na gamit at alak.

*Bantayang mabuti ang mga bata nang hindi mapalayo o mawala.

*Iwasang magdala ng radyo at pansugal.

*Huwag iwanang nakasindi ang mga kandila.

*Ipunin ang mga kalat at itapon sa basurahan bago umalis.

***

Kailangang maging alisto sa mga ganitong panahon upang maging ligtas ang paggunita sa alaala ng ating mga mahal sa buhay.

 

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Tapusin na ang hate crimes

Mga Bida, sari-sari ang mga lumitaw na opinyon at panukala kasunod ng karumal-dumal na pagpatay kay Jennifer Laude sa Olongapo City kamakailan. Sigaw ng iba, ibasura na ang Visiting Forces Agreement (VFA) dahil sa probisyon nito na nagbibigay ng karapatan sa Estados Unidos na kunin ang kustodiya ng mga sundalo nilang nasangkot sa krimen sa Pilipinas.

Ang iba naman, hiniling sa pamahalaan na ipilit na makuha ang kustodiya kay PFC Joseph Scott Pemberton, ang suspect sa pagpatay kay Laude.

Ngunit, tingnan din natin ang isyu ng hate crime laban sa lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community.

Ang pagpatay kay Jennifer ay bunsod ng hate crime na umiiral sa ating lipunan.

Ang hate crime ay karahasan na ginagawa sa mga minority groups o marginalized na sektor ng ating lipunan, tulad sa mga indigenous people o sa kasong ito, sa ating lesbian, gay, bisexual at transgender community.

Sa ulat ng Philippine LGBT Hate Crime Watch, mayroong 164 na miyembro ng LGBTs sa bansa ang pinatay mula 1996 hanggang Hunyo 2012.

Sa ginawa namang pag-aaral ng UN Development Program at ng US Agency for International Development noong 2011, may 28 kaso ng pagpatay na may kinalaman sa lesbian, gay, bisexual at transgender community.

Ngayong taon pa lang, may 14 na transgender na ang pinatay bunsod ng hate crime, ayon sa Transgender Association of the Philippines.

Nakakabahala ang mga detalyeng ito dahil sa panahon nga­yon, wala nang lugar ang hate crime sa isang sibilisadong lipunan.

***

Sa ibang mga bansa, itinulak na nila ang pagsasabatas ng anti-hate crimes upang sawatahin ang ganitong uri ng karahasan.

Sa Estados Unidos, ang unang mga batas na may kinalaman sa hate crime ay ipinasa pagkatapos ng American Civil War. Kabilang dito ang Civil Rights Act of 1871, na layong laba­nan ang mga krimen na may kinalaman sa lahi.

Noong 1978, ipinasa ng California ang unang state hate-crime statute na may kaugnayan sa relihiyon, kulay, lahi at pinagmulang bansa.

Noong 2009 naman, inaprubahan ni President Barack Obama ang Matthew Shepard and James Byrd, Jr. Hate Crimes Prevention Act, kung saan isinama ang lahi, sexual orientation, kasarian o kapansanan sa mga saklaw ng hate crimes.

Ang iba pang bansa na may hate crime laws ay Canada, France, Germany, Greece, Spain at United Kingdom.

***

Sa ngayon, wala pang batas sa Pilipinas na nagpapataw ng mabigat na parusa sa hate crime.

Kaya aktibo ang aking tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa LGBT community upang mapalakas ang inihain nating Senate Bill No. 2122 o ang Anti-Discrimination Act of 2014.

Itinutulak natin ang pagbabawal ng anumang uri ng diskriminasyon batay sa kasarian o sexual orientation, lahi, relihiyon, kulay, edad, civil status, HIV status at iba pang kondisyong medikal.

Patuloy tayo sa pagkilos upang magkaroon ng bansang kumikilala sa karapatan ng bawat Pilipino at maprotektahan ang karapatan ng lahat, pati na rin ang ating lesbian, gay, bisexual at transgender community.

 

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Corrupt na Emission Testing Centers

Mga Bida, isinabatas ang Clean Air Act noong 1999 upang protektahan ang publiko sa panganib ng polusyon.

Nakapaloob sa nasabing batas ang mga hakbang para mapaganda ang kalidad ng hangin, para na rin sa kalusugan ng lahat.

Ngunit labinlimang taon na ang nakalilipas mula nang ito’y ipatupad, wala pa rin tayong nakikitang pagbabago sa kalagayan ng hangin.

Sa halip na gumanda, lumalala pa ang polusyon sa hangin sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship na aking pinamumunuan, nabatid na naglalaro sa 136 micrograms kada normal cubic meter (ug/Ncm) ang polus­yon sa hangin sa Metro Manila.

Ayon pa sa kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang nasabing numero ay malayo sa normal na nibel na 90 ug/Ncm.

Subalit laking gulat ko nang sabihin ng DENR na walumpung porsiyento ng pinagmumulan ng polusyon sa hangin ay mga sasakyan.

Naitanong ko tuloy kung ano pa ang silbi ng mga private emission testing center (PETC) na siyang inatasan ng batas upang suriin kung ligtas ang ibinubugang hangin ng mga sasakyan.

Sa tagal nang mayroong mga PETCs, dapat ay mayroon nang magandang pagbabago sa kalagayan ng hangin at nibel ng polus­yon sa bansa. Hindi yata tama ito.

***

Ilang buwan na ang nakalipas, mga Bida, naghain ako ng reso­lusyon upang silipin ang kalagayan ng mga PETCs sa bansa.

Nais nating malaman kung sila ba’y nakasusunod sa kanilang tungkulin o kung epektibo pa ang sistemang ito sa pagsugpo sa polusyon.

Sa Senate Resolution 734 na aking ipinasa, hiniling ko sa kaukulang komite na imbestigahan ang mga ulat na ilang PETCs ang gumagawa ng ilegal na mga gawain.

Kabilang sa mga ilegal na gawain nila ay ang non-appearance scheme o ghost testing ng mga sasakyan kapalit ng mas mala­king bayad.

Dahil sa ginagawang kabalbalan ng mga tiwaling PETC, nawawalan tuloy ng saysay ang Clean Air Act. Sa halip na luminis ang hangin, lalo tuloy itong napapasama dahil nakakalabas sa lansangan ang mga sasakyang nagbubuga ng maruming hangin.

***

Sa pagdinig kamakailan, napatotohanan ang mga ulat na ipinaabot sa akin dahil ayon mismo sa Land Transportation Office (LTO), ilang PETCs na ang kanilang pinagmulta at sinuspinde dahil sa ilegal na gawain.

Binanggit mismo ng LTO na ilang emission centers ang nagpapadala ng mga pekeng fake emission result at larawan sa ahensiya para palitawing sumailalim na sa pagsusuri ang isang sasakyan.

Gamit ang makabagong teknolohiya sa photo editing gaya ng Photoshop, pinapalitan ng tiwaling emission centers ang plate number ng mga sasakyan para masabing dumaan na ito sa pagsusuri.

Ang masakit nito, napakagaan lang ng parusang itinatakda ng batas sa mga tiwaling center. Pinagmumulta lang sila ng P30,000 maliban pa sa 30 araw na suspensiyon.

Magaan lang ang parusang ito kung titimbangin ang bigat ng ginagawa nilang kabulastugan. Nilalagay na nila sa alanganin ang kalusugan ng maraming Pilipino, napapasama pa ang ating kalikasan.

Kaya hiniling natin sa LTO na patawan ng mabigat na parusa ang mga corrupt na emission center at sampahan pa ng kasong kri­minal gaya ng falsification of public document para sila’y madala.

Kailangan nating itama ang sistemang ito dahil lalo lang mapapariwara ang kalikasan kung hahayaan natin silang mamayagpag.

Sabi nga ng tauhan ng DENR, kung lahat ng sasakyan ay susunod lang sa itinatakdang pamantayan ng Clean Air Act, magi­ging normal sana ang hangin sa Metro Manila.

Maliban pa rito, malalayo pa ang publiko sa sakit na dulot ng polusyon. Sa ngayon kasi, mga Bida, nangunguna sa sakit na pumapatay sa maraming Pilipino ay may kinalaman sa respiratory system.

 

First Published on Abante Online

BIDA KA!: Mga buwitre at along the way fees

Mga Bida, noong Martes, nagsagawa tayo ng ocular inspection sa Port of Manila upang tingnan kung may update na ang pagsisikap ng pamahalaan at pribadong sektor na paluwagin ang pantalan. Natuwa naman tayo sa ating nakita dahil nagbunga ang pagsisikap ng Task Force Pantalan, na binubuo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna nina Secretary Rene Almendras at Trade Secretary Gregory Domingo.

Sa ating pagbisita, nakita natin na marami nang nabawas na mga container van na nakatambak sa pantalan kumpara noong nakaraang mga linggo, at patunay na positibo ang ginawang mga pagkilos ng Task Force Pantalan.

Malaking pagbabago ito dahil ilang buwan lang ang nakalipas, mistulang parking lot ang ating mga pantalan at napakabagal ng proseso na nakadagdag pa sa mga hadlang sa paglalabas ng kargamento.

Ngayon, maluwag na ang ating mga pantalan, wala nang trapik at malaya nang makapaglabas-masok ang mga truck na nagdadala ng kargamento.

Malaki rin ang naiambag ng bagong sistema ng mga port operators sa pagpapaluwag ng pantalan at pati na rin sa trapiko.

Dati, parang mga langgam na nakapila ang mga truck sa labas ng pantalan at naghihintay ng maihahatid na kargamento.

Ngayon, may ticketing system na ang mga port operator sa mga truck para hindi na sila umalis sa garahe kung wala pang ihahatid na kargamento.

Mainam ito dahil hindi masasayang ang oras sa paghihintay, nababawasan pa ang trapiko sa Kamaynilaan.

Kung susundin ang dating sistema, nagpupunta ang mga truck sa pantalan kahit na hindi sigurado kung may kargamentong dadalhin.

Kaya tumatambay lamang ang mga truck na ito na nakadaragdag sa trapik sa daan.

***

Sa kabila ng mga positibong pangyayaring ito, marami pa ring negosyanteng nagrereklamo na mabagal pa rin ang proseso.

Mukhang noong kasagsagan ng pagsisikip sa port, maraming mga buwitre ang nakatunog at nakaamoy sa problema kaya gumawa ng raket at pinagkakitaan ang sitwasyon.

Upang matugunan ang mga problemang ito, may dalawang pagbabago tayo na nais ilabas sa susunod na pagdinig sa October 16 upang mapabilis pa ang proseso sa ating mga pantalan.

Una, tingnan ang mga prosesong legal kung ito’y akma pa sa kasalukuyang panahon o kung ito’y nakakabagal sa takbo ng sistema.

Kasama na rito ang pagpapadali sa mahaba at mabusising mga patakaran ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue na madalas inirereklamo ng mga negosyante.

Ikalawa, dapat tiyakin na walang ilegal na proseso o tran­saksiyon na nakakabagal sa proseso sa paglalabas ng kargamento sa pantalan.

Kung inyong maalala, mga Bida, idinaing ng isang negos­yante sa unang hearing ukol sa port congestion ang tinatawag na ‘along the way fees’ na sinisingil sa kanila, pati na rin sa truckers at shipping companies.

May mga nangongolekta pa ng mula dalawang libong piso hanggang apat na libong piso sa mga trucker para lang makapila at makapasok sa pantalan.

Hindi alam ng mga buwitreng ito na hindi ang trucker, shipping companies o ang gobyerno ang kanilang iniisahan at ninanakawan, kundi ang taumbayan na maaapektuhan sa pagtaas ng produkto dahil sa kanilang ilegal na gawain.

***

Kaya nananawagan ako sa lahat, mula sa shipping lines, truckers, ahensiya ng pamahalaan at port operators na magtulungan upang maayos pang lalo ang sistema sa ating pantalan at matiyak na maayos ang daloy ng produkto sa merkado.

Kapag maayos ang dating ng produkto, tiyak na hindi aalagwa ang presyo at magiging abot-kaya ang bilihin sa ating mga kababayan.

Panawagan ko rin sa mga nabiktima ng mga tiwaling tauhan ng pamahalaan sa pantalan na magsumbong sa WASAK o Walang Asenso sa Kotong Hotline (16565 at 0908-8816565).

 

First Published on Abante Online

NEGOSYO, NOW NA!: Sulat ng mga OFWs

Mga Kanegosyo, may natanggap tayong mga sulat mula sa kababayan nating mga overseas Filipinos na masugid na nagbabasa ng ating kolum.

Hayaan niyong bigyang daan natin ang kanilang mga liham ngayong linggo. Narito ang kanilang mga sulat:

***

Kanegosyong Bam,
 
Gusto ko po sanang humingi ng payo sa inyo tungkol sa pagnenegosyo. Nandito po ako sa abroad ngayon at ang asawa ko po ang naiwan diyan sa Pilipinas.

Ano po ba ang magandang pasuking negosyo? Sana po matulungan ninyo ako at ang asawa ko para po hindi na ako magpaalila habambuhay dito sa ibang bansa.

Kung sakali pong mabibigyan ninyo ako ng payo, uumpisahan ko na pong pag-ipunan ang magiging kapital.
Maraming salamat po.

Gigi

***

Kanegosyong Bam,
 
Kasalukuyan akong nagtatrabaho po rito sa Qatar. Nabasa ko po yong post ninyo sa Abante. Gusto ko na po bumalik ng Pilipinas at mag for good kasi dito sa ibang bansa, hindi po ako umaasenso at kulang pa po iyong sahod ko para sa pamilya ko.

Kaya gusto ko na po mag for good diyan at mag start nang kahit maliit na negosyo man lang basta’t may pagkakitaan.

Taga-Agusan del Norte po ako. Baka mayroon po kayong maitutulong sa akin Ang hirap po sa abroad. Malayo ka sa pamilya mo tapos iyong kinikita mo ay kulang pa para sa kanila. Kaya naisip ko po magnegosyo.

–Jiovannie

***

Mga Kanegosyo Gigi at Jiovannie, maraming salamat sa inyong mga sulat.

Alam ninyo, madalas na iyan ang itinatanong sa aming opisina, “Ano ba ang magandang negosyo?”

Pero sa totoo lang, hindi maganda kung basta na lang kaming magmumungkahi ng uri ng negosyo nang hindi inaalam kung ano ang inyong kalagayan at kondisyon.

Una sa lahat, gaya ng una nating kolum dito, kailangan muna nating alamin ang inyong lokasyon.

Ikalawa, dapat din naming malaman kung ano ang kakayahan ninyo. Gaano kalaki ang inyong puhunan at kung sasakto ba ito sa iniisip na negosyo?

Ikatlo, lalo na para sa ating mga kababayan sa abroad, sino ang magpapatakbo ng negosyo rito sa Pilipinas? May karanasan ba siya o kakayahan na patakbuhin ang pinaplano ninyong negosyo?

Ikaapat, ano ang raw materials sa inyong lugar na murang mapagkukunan at ikalima, may merkado ka bang mapagbebentahan ng iniisip na produkto o serbisyo?

Hindi madali ang pagbibigay ng payo sa pagnenegosyo. Hindi ko puwedeng sabihin na magbenta kayo ng lechong manok o magtayo ng sari-sari store sa inyong bahay.

Hindi ganoon kadali magpayo dahil napakaraming kailangang isiping mga kundisyon kung magtatayo ng negosyo.

Ito ang dahilan kung bakit natin itinatag ang Negosyo Center. Sa ating naipasang batas na Go Negosyo Act, magtatalaga ang bawat munisipalidad, lungsod at probinsya ng Negosyo Center para sagutin ang mga ganitong uri ng mga katanungan ng ating mga kababayan.

Sa Negosyo Center, may mga taong puwedeng magbigay ng tamang payo sa pagnenegosyo tulad ng tamang lokasyon, produkto, kung saan makakakuha ng pautang at iba pang katanungan sa pagnenegosyo.

Isa iyang mahalagang aspeto sa pagiging matagumpay na negosyante – ang may makausap kang eksperto na gagabay at makakapagbigay ng tamang payo.

Mahalaga na makakuha ng akmang payo sa inyong pangangailangan at hindi “generic advice” lang nang mahuli ang tamang diskarte sa inyong gagawing negosyo.

***

Para sa mga tanong, tips o sariling pagbabahagi tungkol sa pagnenegosyo, mag-email sa negosyonowna@gmail.com o mag-iwan ng mensahe sa fb.com/BenignoBamAquino.

 

First published on Abante Online

 

 

7 Things that We Should be Proud of as Filipinos (but probably didn’t know)

Ngayong Araw ng Kalayaan, masarap ipagmalaki ang pagiging Pinoy natin. Bukod sa mga napakagandang mga isla at walang katulad na Filipino hospitality, may ilan pang mga bagay na proudly Filipino!

 By ListAvengers

1. Husay Pinoy. Maraming mga Pilipino ang nagpapakitang-gilas sa industriya ng arts, design at business. Pinoy ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang designers at game developers, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Oh ‘di ba, hindi lang tayo sikat sa computer games, tayo pa ang gumagawa ng games. 

Sa business naman, kinikilala din sa buong mundo ang mga social entrepreneurs ng Pilipinas tulad na lang ni 2015 Forbes 30 Under 30 Reese Fernandez-Ruiz ng Rags2Riches.

Sa larangan naman ng pelikula, nakapasok muli kamakailan sa prestihiyosong Cannes Film Festival ang pelikula ng batikang direktor na si Brillante Mendoza na minsan ng nagwagi bilang kauna-unahan at tanging Pinoy na Best Director award sa nasabing film festival.

brillantemendoza

2. Produktong Pinoy. Ang Philippine cocoa ang isa sa mga pinagkakatiwalaang source para sa paggawa ng chocolate ng ilang mga dayuhang kumpanya. Isang patunay na ang cocoa ng Pilipinas ay world class, ang Malagos 100% Premium Unsweetened Chocolate ay nakakuha ng bronze award sa Academy of Chocolate Awards sa London ngayong taon.

Ang Pilipinas din ang tinaguriang largest producer ng coconut sa buong mundo. Talagang nakaka-proud ang produkto ng Pinas!

 malagoschocolate

3. Buhay Pinoy. Isa ang Pilipinas sa may pinakamalaking growth sa ASEAN sa aspeto ng ekonomiya, dahil na rin siguro sa mga Pilipinong patuloy na nagnanais maka-angat sa buhay. Magaling makisama, natural na matulungin at maasikaso sa kapwa, ilan lamang iyan sa mga katangian na palaging inuugnay sa mga Pilipino.

Pansinin na lang ang mga Filipino community sa ibang bansa, hindi magkakakilala pero nagsasama-sama. Ang Pilipinas din ang isa sa may pinakamataas na gender equality index ayon sa World Economic Forum Report.

 Kaya naman isa sa mga probinsya sa Pilipinas ang napabilang sa listahan ng Forbes Top 10 Best Places to Retire in the World. Dumaguete ang nakakuha ng no. 5 na slot.  

dumaguete

4. Sayang Pinoy. Napansin ninyo na ba ang nagkalat na mga hugot na meme sa social media? Eh ang mga viral video ng mga nakakatawang dubsmash o trending dance craze? Kahit maliit na bagay ay kayang pagmulan ng kasiyahan basta may Pilipino sa usapan.

Ang mga Pinoy ay natural na masayahin, kayang ngitian ang anumang problemang pinagdadaanan. At dahil diyan, ang Pilipinas ay nakakuha ng mataas na happiness index ayon sa pag-aaral ng Gallup’s Positive Experience Index. Ngayong 2015 ay nasa rank 5 ang Pilipinas sa pinakamasayang bansa sa buong mundo!

happiestcountries 

5. Biyaheng Pinoy. Ang Pilipinas ay binubuo ng mga isla kaya kahit saang sulok ka magpunta ay may magandang beach o view na puwedeng ma-enjoy. Sikat ang Pilipinas bilang isa sa mga destinasyon sa Asya na talagang dinarayo para sa magagandang tanawin o unique experience.

Pero bukod dito, isa sa mga pwede natin ipagmalaki ang naimbentong Aurelio supercar ng isang grupo ng kabataan sa San Pedro, Laguna. Hindi man ito kasing level ng Ferrari pero kung naiisin mong mag-road trip sa magagandang isla sa bansa, mas may dating kung ito ang kotseng iyong dadalhin.

aureliosupercar

6. Puwersang Pinoy. Sino ba ang makakalimot sa EDSA People Power Revolution noong 1986? Isa ito sa pinaka-influetial na pangyayari sa ating kasaysayan. Dito nagsama-sama ang mga Pilipino para sa iisang layunin, ang makamit ang demokrasya sa Pilipinas.

 Ang puwersang Pinoy ay ‘di lang nagtapos noong 1986. Ilang people power ang sumunod dito at kahit sa modernong panahon ngayon, palagi pa rin nating ipinapakita ang spirit ng peaceful revolution.

Isa sa magandang halimbawa ang pagsasama-sama ng mga kabataang Pinoy sa panahon ng kalamidad o kahit sa simpleng pagtulong sa bayan. Hindi man ito bagong konsepto pero isa ito sa palagi natin dapat alalahanin na talagang nakaka-proud as Pinoy!

 EDSA

7. Labang Pinoy. Bahagi na ng buhay ng isang Pinoy ang sports. Sino ba naman ang hindi nakakilala kay Manny Pacquiao na kayang pagka-isahin ang buong Pilipinas tuwing sasampa sa ring?

Pero hindi lang siya ang atleta na dapat nating kilalanin. Maraming Pinoy ang nag-eexcel sa iba’t ibang sports competition. Sa SEA games na lang na kasalukuyang ginaganap sa Singapore, ilan na sa mga hindi ganoong kakilalang atleta ang nakakuha na ng ginto!

seagames2015

Kung mayroon kayong naiisip na lis7ahan at nais maging miyembro ng Listavengers, mag-e-mail sa team.bamaquino@senado.ph!

After Long Wait, Congress Ratifies Act Penalizing Cartels, Abuse of Dominant Positions

“Historic, game-changing for our economy,” Sen. Bam Aquino describes the Philippine Competition Act after its ratification.

 After three decades of waiting and 30 hours of bicameral conference hearing, Congress has finally ratified the Philippine Competition Act that penalizes bad market behavior and abuse of dominant positions.

“If enacted into law, the measure will create a level playing field, whether big or small, when it comes to market opportunities,” said Sen. Bam Aquino, chairman of the Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.

For almost thirty years, the Philippines has remained one of few countries that does not have a valid competition policy that will protect its consumers and private industries.

“It has been one of the longest running bills in our history,” Sen. Bam said, as the first competition policy was filed in the 8th Congress.

After World War II, Japan passed its Original Antimonopoly Law in 1947 while the United Kingdom passed its Monopolies and Restrictive Practices Act in 1948.

Other ASEAN countries have also passed their respective competition laws, starting with Indonesia and Thailand in 1999, Singapore in 2004, Vietnam in 2005, and Malaysia in 2012.

“This is primary a huge victory for millions of consumers, who, in the end, will be the ultimate beneficiaries of this measure,” added Sen. Bam, whose Senate Bill No. 1027 or the Philippine Competition Act was among the measures consolidated under Senate Bill No. 2282.

President Aquino is expected to sign the measure into law as it is one of his administration’s urgent measures.

Sen. Bam said the Philippine Competition Act is expected to eliminate cartels, and penalize anti-competitive agreements and abuses of dominant players in the markets that lead to high prices of goods and services.

“In addition, the Philippine Competition Act promotes a culture of healthy competition that inspires ingenuity, creativity, and innovation in addressing market needs,” Sen. Bam said.

“We need more players in our markets, so that the quality of products and services increases, and prices of goods would then go down,” Sen. Bam added.

 The measure will also prohibit anti-competitive agreements and abuses of dominant position that distort, manipulate, or constrict the operations of markets in the Philippines.

“We thank the hard work of our fellow senators and our congress counterparts in coming up with a solid bill that will further help our economy down the road,” Sen. Bam emphasized.

Sen. Bam also credited the late Rep. Henry Cojuangco for actively pursuing the bill’s House version. Cojuangco died from aneurysm, hours before the bill hurdled the second reading at the House of Representatives last May 12. 

“Panalo ang taumbayan dahil sa pagpasa ng panukalang ito,” the senator highlighted.

“We would like to tell the world that with the Philippine Competition Act, our country is now open for business,” Sen. Bam happily declared.

Bam on his Year 2 Accomplishments (Transcript of Interview)

Well, ito pong mga batas po naming ito, alam ninyo po, dalawa po itong committee po natin.  Ang una sa Youth, tsaka iyong Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.  Kaya kung napapansin po natin, lagi po ang ating usapin ay usaping pang-kabataan at usaping pang-negosyo. 

Kaya gusto ko po sanang ireport na hindi po nasayang ngayon sa pangalawang taon ko po dito sa Senado.

Responsive, Empowered Service-Centric Youth Act of 2015

Meron po tayong dalawang napakagandang batas na umuusad. Iyong isa po riyan, yung tinatawag nating RESCYouth.

Ito po iyong batas at napasa na po on third reading. So actually hinihintay na lang po natin iyong counterpart sa Kongreso.  Ang nakalagay po rito, na sa ating NDRRMC, iyong ating National Disaster Risk Reduction Management Council, kinakailangang may kinatawan ang mga kabataan.

Nakita po kasi namin na, sa bawat delubyong nangyayari ay mga kabataan iyong mga kauna-unahang volunteer, eh ‘di ba kabataan.  Sino ba iyong nagpupuno roon sa mga repacking stations natin, ‘di ba iyong mga kabataan?

Nakita rin naming na marami ring mga youth groups na nagbibigay ng first aid, sumasama sa red cross, nagtuturo ng mga CPR, iyong paglangoy, so marami po talagang kabataan ang involved, pero hindi sila involved sa pagpaplano ng disaster risk management.

Lahat po ng ating Disaster Management Councils, magkakaroon po ng youth representative.

Iyong kaalaman, experiences, pwedeng maibahagi ng kabataan, mapapasama na po sa National Councils, sa NDDRMC, Provincial Councils, City Councils, Municipal Councils, kahit Baranggay Councils kasi mayroon na dapat po tayong mga konseho pagdating sa pagmanage ng mga delubyo sa ating bansa.

Youth Entrepreneurship Act

Itong pangalawa po, ratified na, pirma na lang po ng presidente natin ang kailangan. So we’re hoping, bago po mag SONA, pirmado na po ito.

Ito po iyong Youth Entrepreneurship Act.  Ang kapartner po namin dito ay si Br. Armin Luistro at Deptartment of Education.

Napapansin po kasi namin na, pagdating po sa mga kabataan, mahalaga po talaga, iyong financial literacy o kaalaman sa paghawak ng pera at mga kaalaman sa pagnenegosyo.

Sa ngayon, sama-sama po iyan sa financial literacy, savings, investments, kaalaman sa pagtatayo ng sariling negosyo.  Maituturo na po finally sa ating educational system kasi po ‘di ba laging batikos sa ating educational system ay tinuturuan ka naman maging empleyado, kumbaga hindi tinuturuan para magtayo ng negosyo.

Maisasama na po iyan sa K to 12 at kadikit po niyan, magkakaroon po tayo ng fund para yung mga gustong magnegosyo na mga kabataan especially yung nasa K to 12 pwede pong mabigyan ng DepEd nang kaunting start up capital.  Hindi teorya lang yung kanilang pagtuto tapos magkakaroon pa po sila ng praktikal na kaalaman sa pagtatayo ng negosyo.

   

Sa mga Umuutang

Sanay na tayo na “ay umuutang lang iyan,” kahit iyong mga pinakamalalaking kumpanya umuutang, kahit po itong bansa natin, umuutang rin yan. Hindi po masama ang umutang, ang masama po ang umuutang ka ng hindi mo kayang bayaran.

O masama iyong umutang ka, na hindi mo naaral yung mga terms o laki ng interest.  Kahit 5-6, pero kung umuutang ka sa maayos na institusyon, hindi ho masama iyon, so iyong mga kaalaman ay mahalagang malaman ng ating mga kabataan.

We’re hoping na makatulong ito para bumaba ang bilang ng mga kabataang walang trabaho.

Foreign Ships Co-Loading Act

Mayroon po tayong batas noon na nagsasaad na kapag ikaw ay isang foreign ship, hindi ka puwedeng dumaong sa lahat ng ports ng Pilipinas.

Noon po, pag foreign vessel ka, mayroon kang i-import. Usually pipili ka lang ng isang puwedeng pagdaungan, usually Metro Manila iyan. Although international ang Davao at Cagayan de Oro, pero usually dito lang po iyan sa Metro Manila.

Kaya karamihan ng ships nasa Metro Manila kaya noon nagkaroon ng port congestion kung saan nagtaasan ang presyo ng bilihin dahil sobrang inefficient ng ating sistema.

Ngayon po, puwede nang dumaong ang ships sa multiple ports basta’t hindi siya kumukuha ng domestic goods. Kumbaga po, meron kang imported na goods, kunwari mayroon kang imported na mani, puwede kang mag-drop off sa Manila, puwede kang mag-drop off sa Cebu at sa Cagayan de Oro, hindi na lang sa iisa.

Kung kukuha ka naman, kailangang i-export mo ito patungong foreign port. Hindi ka puwedeng kumuha ng produkto sa Cagayan de Oro patungong Maynila. Para mabago po iyan, kailangang mabago ang Constitution dahil mayroon po tayong proteksiyon.

Pero pagdating sa importation at pag-e-export, puwede na po kayong kumuha kung foreign vessel ka.

Magmumura iyong cost natin ng pag-import at pag-export kasi hindi ka na kailangang mag-drop-off. Wala nang double handling. Now, bababa po niyan ang cost ng ating logistics.

Now, kahit naman po iyong local products natin, may mga imported raw materials iyan so makikita natin may mga porsiyento diyan dapat bumaba ang presyo at magsimula ang pagbaba ng presyo ng bilihin o di kaya’y makakatulong po iyan sa para hindi tumaas ang presyo ng bilihin.

To quote Venus Raj, “Major! Major!” po ang batas na ito kasi matagal na po itong gustong itulak pero hindi maipasa-pasa. Naipasa po namin lahat ng cargo lahat ng foreign ships.

Isipin niyo po, nag-e-export po tayo. We try to be competitive pero iyong cost ng pagdala ng produkto palabas, napakamahal. At the end of the day, iyon po ang hinahabol natin dito, ang magmura ang bilihin.

Philippine Competition Act

Eto po, for the second year ko po makakaa-apat po tayo. Ito po ang pangako natin na ito pong Philippine Competition Act, masabi ko na isa ito sa major, kung hindi man pinaka-major sa 16th Congress.

24 years na po ito sa Kamara, 24 years na hindi maipasa-pasa and dapat po 80 years na noong nakapasa tayo ng Philippine Competition Act.

Iyong mga ibang bansa po, marami po sa kanila, after World War 2 nagkaroon ng competition.  Ang Japan after World War II, devastated sila, doon nila binuo ang competition act para maging patas-patas ang pag-angat ng mga negosyo sa kanilang bansa.

Ito pong Philippine Competition Act, nakalagay po na walang anti-competitive agreements o agreements between companies na makakasama sa kompetisyon sa ating merkado o iipitin ang ibang players, especially ang maliliit.

Iyong pagiging monopolyo mismo, hindi po iyan pinagbabawal. Ang bawal ay naging monopolyo ka dahil nang-aabuso ka. Mahalaga po na mayroon po ang batas na ito.

Isa pang nilalabanan nito ang cartel. Halimbawa, negosyante ng garlic mag-uusap-usap na huwag munang maglabas ng produkto. Hintayin natin itong tumaas ang presyo, doon natin banatan ang merkado.

Ang tawag po diyan, price fixing. Iyan po very clear na pinagbabawal ng batas na ito. Pag ginagawa mo iyan, hindi iyan fair sa consumers. Hindi rin fair sa ibang traders o ibang businesses na nasa merkado mo.

Bawal na po ang cartel, iyong competitive agreement, ang pang-aabuso ng malalaking kompanya o abuse of dominant.

Bubuo tayo ng Philippine Competition Commission na quasi-judicial. Ibig sabihin po may mga kaso na puwedeng ilapit sa komisyon na iyon, at sasabihin nila, may bawal dito, puwede mong multahan iyong mga kompanya.

Puwede mong multahan kung kriminal na iyan. Kung cartel, puwede mong ilapit sa DOJ, may prison time na iyan. Ito’y karaniwan sa iba’t ibang bansa mundo.

Kakaunti na lang po ang walang competition law. Ito po’y hindi bago sa mundo pero bago po sa ating bansa, na ngayon lang tayo nagkaroon ng batas tungkol dito.

Ano po ang analogy natin dito? Kasi usong-uso ang NBA Finals, kumbaga po noon, sa barangay covered courts lang tayo naglalaro.

Kasi ang ekonomiya natin simple lang noon kaya pambarangay lang tayo. E ngayon po, gumaganda na ang ekonomiya ng Pilipinas, nag-PBA at NBA level na tayo.

Pag sa barangay lang naglalaro, walang referee, kayo-kayo lang iyon. Hindi malinaw ang rules, kanya-kanya kayo.

Pero kung gumaganda na ang ekonomiya niyo, kung nasa PBA ka na, o nasa NBA ka na, kailangan na ng referee.

Ang referee po dito, ang Philippine Competition Commission. Hindi po siya nandiyan para ipitin ang mga naglalaro. Nandiyan siya para masiguro na maayos ang pakikitungo ng bawat grupo at patas ang laban.

Kunwari, isa kang Cleveland Cavaliers at mayroon kang LeBron James ay sobrang galing mo. Hindi ka puwedeng mambalya, hindi ka puwedeng maniko, tatawagan ka ng foul. Ooppss bawal iyan. Puwede kayong mag-compete pero sa tamang patakaran.

Usually po ang bicam dalawang oras, ito po apat na araw, 30 hours ang bicam pero alam niyo po, I’m proud of this bill.

Nagtulungan po diyan ang Congress, ang Senate, DTI, DOJ at NEDA. Tulung-tulong po kami para maipasa ang batas na ito. Ito po ang handog namin sa maliliit na negosyante.

Our small players na usually binu-bully ng mga malalaking kompanya, iyong ating consumers na kapag may cartel, usually mataas ang bilihin. Ito po iyong handog namin sa inyo na magkaroon ng patas-patas na presyo ng bilihin, patas-patas na rules at hindi ho tayo namamanipula ng ilang grupo sa binabayaran nating produkto.

Scroll to top