bida ka

BIDA KA!: Pagbisita sa Batanes

Mga Bida, sa unang pagkakataon ay nakabisita ako sa isla ng Batanes.

Sa lugar na ito nagkatotoo ang mga tanawin na dati’y sa postcard lang natin nakikita. Talagang napakaganda ng Batanes.

Nagtataka nga ako at bakit ngayon­ lang ako nakapunta sa lugar na ito. Naghintay pa ako ng apatnapung taon para makabisita rito.

Dito, nagtatagpo ang mga bundok, burol at karagatan sa iisang lugar. Sa dami kong napuntahang tourist spots sa Pilipinas at iba’t ibang bahagi ng mundo, hindi pa ako nakakita ng ganito kagandang lugar.

Kapag binuksan mo ang radyo, paminsan-minsan ay mga programang Taiwanese ang iyong maririnig.

Sa ganda ng lugar, napakalaki ng potensiyal ng Batanes na maging isa sa pinakamagandang tourist destination sa bansa.

***

Bilib ako sa determinasyon ng mga taga-Batanes na protektahan ang kalikasan. Mas pinili nilang panatilihin ang ganda at kaayusan ng kanilang lugar kaysa dagsain ng maraming turista.

Maraming turista ang hindi natutuwa sa napakamahal na biyahe papuntang Batanes. Ngunit para sa ilang Ivatan, ito’y isang paraan para protektahan ang kalikasan laban sa malawakang komersiya­lisasyon na dulot ng pagdagsa ng maraming turista sa lugar.

Hindi rin hinahayaan ng mga Ivatan ang pagtatayo ng mala­laking hotel at gusali upang maprotekahan ang kanilang lugar.

 

Alam din nila ang limitasyon ng kanilang lugar, pagdating sa mahahalagang imprastruktura, tulad ng drainage, sewage system at pati na kuryente.

***

Dahil kakaunti lang ang tao sa Batanes, lahat sila’y magkakakilala. At dahil magkakakilala, napakababa ng crime rate sa lugar.

Mayroon ngang tindahan doon na walang kahera at walang bantay. Maaari mong iwan ang iyong bayad sa counter para sa iyong pinamili.

Hindi rin naka-lock ang mga bahay at mga sasakyan dahil wala silang pangamba sa kanilang kapaligiran.

Hanga rin ako sa tibay ng mga Ivatan laban sa lupit ng ­kalikasan. Ang Batanes ay paboritong ruta ng mga bagyo ngunit hindi na sila natitinag dito.

Natutuhan nilang makibagay at humanap ng mga paraan upang hindi maramdaman ang epekto nito, tulad ng pagtatayo ng matibay na tahanan, upang malampasan ang hagupit ng bagyo na ilang henerasyon na nilang nararanasan.

***

Buhay na buhay rin ang maliliit na negosyo sa lugar, sa tulong na rin ng Negosyo Center sa munisipalidad.

Wala kang makikita na malalaking tindahan sa lugar at kadalasan, ang mga negosyo’y nasa loob lang ng mga bahay, tulad ng tindahan at mga restaurant.

Isa na rito ang Gino’s Pizza na dinarayo ng parehong mga taga-Batanes at mga turista dahil bukod sa masarap na pizza, mainit din ang kanilang pagtanggap sa mga bisita.

May iba naman na ginawang “Home-Tel” o home hotel ang kanilang mga bahay para sa mga turistang dumarating sa lugar.

***

Maraming nagsasabi na ang Batanes ay “parang nasa ibang bansa” ngunit hindi ko gusto ang ganitong paglalarawan at pananaw.

Naniniwala ako na ang Batanes ay maaaring magsilbi bilang napakagandang imahe ng Pilipinas sa buong mundo.

Ang Batanes ay napakagandang ehemplo pagdating sa pag-aalaga ng kalikasan, pagiging matibay sa gitna ng pagsubok, pagsuporta sa maliliit na negosyo at maayos na pakikitungo sa mga bisita, maging Pilipino man o dayuhan.

Kahit ito’y isang nakapaliit na munisipalidad, ipinakita ng Batanes na kaya rin nilang gumawa ng malalaking bagay para sa ikagaganda ng kalikasan.

BIDA KA!: BIR memo at micro business

Mga Bida, isa sa mga ­batas na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit­ na negosyante ay ang ­Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) Act of 2002.

Sa ilalim ng BMBE Act of 2002, maraming benepisyo ang nakalinya para sa tinatawag na micro entrepreneurs, o iyong mga negosyong may ari-ariang ‘di lalampas sa P3 milyon­ ang halaga, upang matulu­ngan ­silang umasenso.

Kabilang dito ang exemption sa income tax mula sa kita ng ­operasyon ng negosyo. Hindi rin sila saklaw ng Minimum Wage Law at mabibigyan pa ng tulong sa pautang para sa dagdag na ­puhunan.

Pero sa huling tala, kakaunti lang ang bilang ng micro ­enterprises sa bansa ang nakarehistro bilang BMBEs.

Ito’y dahil sa kakulangan ng impormasyon sa lokal na ­antas at sa mahigpit na requirements na hinihingi ng local ­government units at ilang ahensiya ng pamahalaan, lalo na sa aspeto ng pagbubuwis.

***

Ito ang isa sa mga nais nating baguhin nang isulong natin ang pagsasabatas ng Republic Act 10644 o Go Negosyo Act, ang una sa aking 17 batas sa panahon ko bilang chairman ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship noong 16th Congress.

Inamyendahan ng RA 10644 ang BMBE Act of 2002 kung saan inilagay ang Negosyo Centers bilang tanging may ­kapangyarihan na mag-isyu ng BMBE certification.

Ngayon, mas madali nang kumuha ng BMBE certification ang mga kababayan nating micro entrepreneurs sa mahigit 470 Negosyo Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Malaking tulong din ang inilabas na memorandum ng ­Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakailan upang mapabilis ang proseso para sa ating micro enterprises.

 

Sa memo ni BIR Commissioner Caesar Dulay, binibigyan ng pahintulot ang mga nasasaklawan ng BMBE na magsumite ng income tax returns (ITR) sa mga Revenue District Offices (RDO) kahit walang buwis na babayaran.

Sa tulong ng bagong panuntunang ito, mas mabilis na para sa micro enterprises na maghain ng ITR sa lahat ng tanggapan ng BIR.

***

Ngayong 17th Congress, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabantay natin sa kapakanan ng maliliit na negosyante bilang bahagi ng ating adbokasiya na tulungan ang micro, small and ­medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Kamakailan lang, inihain ko ang Senate Bill No. 169 o ang Small Business Tax Reform Act, na layong patawan ng mas mababang buwis at iba pang benepisyo ang mga maliliit­ na negosyo, maliban pa sa pagpapadali ng proseso sa iba pa nilang pangangailangan para makatayo sa sariling paa at ­tuluyang umasenso.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng maliliit na negosyo ay hindi muna pagbabayarin ng income tax sa loob ng unang tatlong taon ng operasyon mula sa petsa ng pagkakatayo. Pagkatapos, sisingilin na sila ng mas mababang buwis sa mga susunod na taon.

Hindi sisingilin ng income tax ang mga maliliit na negosyo­ na kumikita ng mababa sa P300,000 habang sampung ­porsiyentong income tax naman ang kukunin sa kumikita ng P300,000 hanggang P10,000,000.

Kapag naisabatas, magiging simple ang proseso ng bookkeeping at magkakaroon na ng special lane at assistance desk para sa MSEs, maliban pa sa exemption sa tax audit, taunang paghahain ng tax returns at pagbabayad nang hulugan.

Maliban sa pagtulong sa ating micro enterprises, kailangan din nating pabilisin ang proseso sa pagbubuwis ­dahil napag-iiwanan na ang Pilipinas sa aspetong ito.

Sa pag-aaral ng PWC at World Bank, ang Pilipinas ay pang-126 sa 189 ekonomiya pagdating sa tinatawag na Ease of Paying Taxes. Kung gagawing simple ang sistema ng pagbubuwis sa bansa, mas malaki ang tsansa ng ating mga maliliit na negosyo na umasenso.

Ang pag-asensong ito ay magreresulta sa pag-angat ng buhay at dagdag na kabuhayan para sa mas maraming Pilipino.

BIDA KA!: BIR memo at micro business

Mga Bida, isa sa mga ­batas na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit­ na negosyante ay ang ­Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) Act of 2002.

Sa ilalim ng BMBE Act of 2002, maraming benepisyo ang nakalinya para sa tinatawag na micro entrepreneurs, o iyong mga negosyong may ari-ariang ‘di lalampas sa P3 milyon­ ang halaga, upang matulu­ngan ­silang umasenso.

Kabilang dito ang exemption sa income tax mula sa kita ng ­operasyon ng negosyo. Hindi rin sila saklaw ng Minimum Wage Law at mabibigyan pa ng tulong sa pautang para sa dagdag na ­puhunan.

Pero sa huling tala, kakaunti lang ang bilang ng micro ­enterprises sa bansa ang nakarehistro bilang BMBEs.

Ito’y dahil sa kakulangan ng impormasyon sa lokal na ­antas at sa mahigpit na requirements na hinihingi ng local ­government units at ilang ahensiya ng pamahalaan, lalo na sa aspeto ng pagbubuwis.

***

Ito ang isa sa mga nais nating baguhin nang isulong natin ang pagsasabatas ng Republic Act 10644 o Go Negosyo Act, ang una sa aking 17 batas sa panahon ko bilang chairman ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship noong 16th Congress.

Inamyendahan ng RA 10644 ang BMBE Act of 2002 kung saan inilagay ang Negosyo Centers bilang tanging may ­kapangyarihan na mag-isyu ng BMBE certification.

Ngayon, mas madali nang kumuha ng BMBE certification ang mga kababayan nating micro entrepreneurs sa mahigit 470 Negosyo Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Malaking tulong din ang inilabas na memorandum ng ­Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakailan upang mapabilis ang proseso para sa ating micro enterprises.

 

Sa memo ni BIR Commissioner Caesar Dulay, binibigyan ng pahintulot ang mga nasasaklawan ng BMBE na magsumite ng income tax returns (ITR) sa mga Revenue District Offices (RDO) kahit walang buwis na babayaran.

Sa tulong ng bagong panuntunang ito, mas mabilis na para sa micro enterprises na maghain ng ITR sa lahat ng tanggapan ng BIR.

***

Ngayong 17th Congress, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabantay natin sa kapakanan ng maliliit na negosyante bilang bahagi ng ating adbokasiya na tulungan ang micro, small and ­medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Kamakailan lang, inihain ko ang Senate Bill No. 169 o ang Small Business Tax Reform Act, na layong patawan ng mas mababang buwis at iba pang benepisyo ang mga maliliit­ na negosyo, maliban pa sa pagpapadali ng proseso sa iba pa nilang pangangailangan para makatayo sa sariling paa at ­tuluyang umasenso.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng maliliit na negosyo ay hindi muna pagbabayarin ng income tax sa loob ng unang tatlong taon ng operasyon mula sa petsa ng pagkakatayo. Pagkatapos, sisingilin na sila ng mas mababang buwis sa mga susunod na taon.

Hindi sisingilin ng income tax ang mga maliliit na negosyo­ na kumikita ng mababa sa P300,000 habang sampung ­porsiyentong income tax naman ang kukunin sa kumikita ng P300,000 hanggang P10,000,000.

Kapag naisabatas, magiging simple ang proseso ng bookkeeping at magkakaroon na ng special lane at assistance desk para sa MSEs, maliban pa sa exemption sa tax audit, taunang paghahain ng tax returns at pagbabayad nang hulugan.

Maliban sa pagtulong sa ating micro enterprises, kailangan din nating pabilisin ang proseso sa pagbubuwis ­dahil napag-iiwanan na ang Pilipinas sa aspetong ito.

Sa pag-aaral ng PWC at World Bank, ang Pilipinas ay pang-126 sa 189 ekonomiya pagdating sa tinatawag na Ease of Paying Taxes. Kung gagawing simple ang sistema ng pagbubuwis sa bansa, mas malaki ang tsansa ng ating mga maliliit na negosyo na umasenso.

Ang pag-asensong ito ay magreresulta sa pag-angat ng buhay at dagdag na kabuhayan para sa mas maraming Pilipino.

BIDA KA!: Tatlong sikreto

Mga Bida, kamakailan ay naanyayahan ako bilang guest speaker sa graduation ng dalawang state universities sa Tacloban, Leyte.

Sa aking speech sa graduation ng Eastern Visayas State Univer­sity (EVSU) at Leyte Normal University (LNU), ibinahagi natin ang magandang balita na nakapasa na sa Senado ang Senate Bill No. 1304 o Affordable Higher Education for All.

Sa harap ng mga magtatapos, binigyang diin ko na ang panu­kalang ito ay magbibigay sa lahat ng Pilipino ng pagkakataong makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Masaya namang tinanggap ng mga nagtapos pati na ng kanilang mga magulang ang aking ibinalita. Karamihan kasi sa kanila ay may anak o kapatid na hindi pa nakakatapos o ­tutuntong pa lang sa kolehiyo.

Umaasa tayo na sa pagpapatuloy ng sesyon sa Mayo, ­lalabas na rin ang bersiyon ng Kamara upang masimulan na ang bicameral conference committee.

Matapos maratipikahan ang pinal na bersiyon, ito’y dadal­hin na sa Malacañang para sa pirma ng Pangulo. Nais nating ­tiyakin na ito’y maipatutupad pagsapit ng 2017-18 school year.

Kapag naisabatas, magiging libre na ang tuition sa ­lahat ng SUCs at palalakasin nito ang lahat ng Student ­Financial ­Assistance Programs (StuFAP), para makatulong sa mas maraming estudyante na nais magtapos ng kolehiyo sa ­pribadong institusyon.

***

Ibinahagi ko rin sa mga nagtapos ang tatlong mahaha­lagang sikreto bilang pabaon na maaari nilang magamit at ­paghugutan ng aral sa panibagong yugto ng kanilang buhay paglabas nila sa EVSU at LNU.

Sa panahon ngayon, uso ang cellphone, tablet at social ­media na ating ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao sa ating buhay.

 

Subalit, madalas nakukuntento na lang tayo na rito na lang nakikita at nakakausap ang ating pamilya, mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay.

Ang unang sikreto ay huwag mamuhay sa harapan lang ng screen ng cellphone o tablet at mamuhay nang walang anumang filter.

Mas maganda kung makakausap natin nang harapan at ­hindi sa gadget o online ang mga mahalagang tao sa ating buhay. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na maranasan ang mundo nang labas sa cellphone camera at social media.

Tanggalin natin ang mga harang na iyan. Huwag po ­nating hayaan na mayroong balakid sa pagitan natin at sa mahal ­natin sa buhay.

Ikalawang sikreto naman ay ang sikreto sa tagumpay.

Paano tayo magtatagumpay kung nasanay tayo sa ­katwiran na ‘Pwede Na’ Makapasa lang, maka-graduate lang. Puwede na ‘yan!

Ngunit hindi puwede ang ganitong pananaw sa buhay. Kaya po nating pagbutihin at kaya nating pagandahin. Kaya po natin basta’t handa tayong magtrabaho at gawing bahagi ng ating buhay ang tinatawag na excellence.

Sa ganitong paraan, mas malaki ang tsansa nating magtagumpay sa buhay.

Ikatlo ay ang sikreto sa kaligayan. Sabi ng iba, pera, pag-ibig o ‘di kaya’y mga naabot sa buhay ang sikreto ng ­kaligayahan.

Sabi ng isang scientist, hindi pera, pag-ibig o mga narating sa buhay ang pagmumulan ng kaligayahan kundi ang pagiging mabait at pagkalinga sa ating kapwa.

Kapag tayo’y nagpapakita ng kabaitan at pag-­aalaga sa ating mga kasama sa araw-araw, ito ang ­panahon na nagbi­bigay sa atin ng totoong kasiyahan sa ating puso at kaluluwa.

Nakita kong tumu­tungo naman ang mga ­graduate at nakikinig sa aking munting pabaon sa kanila.

Sinabi ko rin na ang mga tumulong sa kani­lang makapagtapos — mula sa mga guro, magulang, at mga ­kaibigan — ay naririyan pa rin at nagnanais ng kanilang tagumpay sa buhay.

Mga Bida, ang mga sikretong ito ay hindi lang para sa mga magtatapos kundi para sa ating lahat upang tayo’y mas maging matagum­pay na Pillipino.

BIDA KA!: Kalayaan sa pagpili ng lider

Mga bida, matapos ipagpa­liban ng ilang taon, nakatakda nang gawin ang halalang pambarangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa ika-23 ng Oktubre.

Puspusan na ang paghahanda ng Comelec para sa nasabing halalan. Nasa kasagsagan na rin ang pagpapatala upang maabot ang target na 55 milyong botante, kabilang ang mga bagong botante sa SK.

Dapat noon pang ika-31 ng Oktubre ng nakaraang taon nakatakda ang halalan ngunit inilipat ngayong taon ­matapos maisabatas ang Republic Act No. 10742 o SK ­Reform Act.

***

Biglang nagkaroon ng agam-agam ang pagsasagawa ng halalan kasunod ng pahayag ni Pangulong Duterte na ­plano niyang ipagpaliban ang eleksiyon at magtalaga na lang ng mga bagong barangay chairman at iba pang mga opisyal ng barangay.

Katwiran ng Pangulo, nasa 40 porsiyento ng barangay captains sa buong bansa ay may kaugnayan sa ilegal na droga at baka mauwi sa narco-politics kapag itinuloy ang halalan.

Ano ba ang basehan ng pahayag na ito ng Pangulo? Mayroon bang intelligence report na nagsasabi na ganito talaga ang bilang ng mga kapitan ng barangay na sangkot sa droga? May pangalan na ba sila ng mga kapitan na sabit dito?

Kung may katibayan nga na ganito karami ang kapitan na sangkot sa ilegal na droga, dapat ipalasap sa kanila ang buong puwersa ng batas. Dapat silang alisin sa puwesto, kasuhan at patawan ng kaukulang parusa.

Kung wala namang matibay na katibayan para suporta­han ang pahayag na ito ng Pangulo, bakit kailangang itigil ang halalan sa mga barangay?

Bakit kailangang alisan ng karapatan ang taumbayan na mamili ng susunod na lider sa kanilang mga komunidad?

 

Ito ang mga katanungan na kailangang bigyang linaw ng pamahalaan.

***

Kung legal na argumento naman ang ating pagbaba­tayan, kailangan munang magpasa ang Kongreso ng batas upang maipagpaliban ang darating na halalan at mabigyan ang ­Pangulo ng kapangyarihang magtalaga ng mga bagong ­opisyal ng barangay.

Sa Senado, sinalubong ng pagtutol ang plano. Kahit mga mambabatas na kilalang kaalyado ni Pangulong Duterte, ­sama-samang binatikos at kinontra ang balak ng Palasyo.

Kahit saan kasing anggulo tingnan, malinaw na ito’y na paglabag sa Saligang Batas, na gumagarantiya sa karapatang ito ng mga Pilipino.

***

Payo natin sa Malacañang, kung mayroon ­silang matibay na ebidensiya laban sa mga opisyal ng ­barangay na sangkot sa ilegal na droga, gawin nila ang nararapat sa ilalim ng batas upang mapapanagot ang mga ito.

Naririyan ang puwersa ng kapulisan na maga­gamit ng pamahalaan upang labanan ang ilegal na gawaing ito hanggang sa lebel ng mga barangay.

Subalit hindi nila dapat idamay sa labang ito ang karapatan ng taumbayan na pumili ng mga ­susunod na lider na sa tingin nila’y makatutulong sa pagpapa­angat ng kanilang kalagayan sa buhay at pag-­asenso ng komunidad.

Ibinigay sa atin ng Saligang Batas ang ­karapatang ito bilang bahagi ng diwa ng isang demokratikong bansa.

Sagrado ang karapatang ito at hindi ­maaaring alisin ninuman, kahit sikat pa siyang pinuno ng ­bansa.

Gaano man ka-popular ang isang lider, hindi niya maaaring saklawin ang lahat ng kapangyarihan.

May kapangyarihan ding ibinibigay ang Saligang Batas sa taumbayan — ang pumili ng mga lider na kanilang naisin.

Mahalagang galing sa taumbayan ang mandato ng mga mauupong opisyal upang magkaroon sila ng pananagutan sa mga nagluklok sa kanila sa puwesto.

***

Sa pagboto, walang mahirap at walang mayaman. Kahit ano ang estado mo sa buhay, bilyo­naryo ka man o ordinaryong manggagawa, iisa lang ang ­bilang ng ating boto.

Sa panahon lang ng eleksiyon nagkakapantay-pantay ang kalagayan sa buhay ng mga Pilipino. ­

Tuwing halalan, nagkakaroon din ng pagkakataon ang taumbayan upang makaganti sa mapang-api o ­tiwaling pulitiko.

Ito’y isang karapatan na kailanma’y hindi ­maaaring ipagkait sa atin ng gobyerno, lalo na kung gagamit ng dahilan na walang sapat na katibayan.

BIDA KA!: Ginhawang hatid ng libreng tuition sa mga state U at colleges (SUCs)

Mga bida, maliban sa mahihirap na nais makatapos sa kolehiyo, isa pang nais suportahan ng Affordable Higher Education for All Act ay ang mga magulang na hindi sapat ang kinikita upang maitawid ang pag-aaral ng mga anak.

Sa botong 18-0, nakapasa sa Senado ang Affordable Higher Education for All Act na ang isa sa mga pangunahing layunin ay magbigay ng libreng tuition sa state colleges at universities (SUCs).

Ang inyong lingkod ang tumayong sponsor at co-author ng nasabing panukala, na layon ding palakasin ang scholarship programs ng pamahalaan sa mga nais namang magtapos sa pribadong educational institutions.

Inaasahan naming maipapasa ito sa House of Representatives at maisasabatas bago magsimula ang susunod na school year.

***

Mga bida, kadalasan, marami sa mga estudyante sa SUCs ay mga anak ng karaniwang empleyado na pinagkakasya lang ang buwanang kita para makatapos sa pag-aaral sa kolehiyo.

Kabilang na rito sina Carolyn Dale Castaneda ng Mountain Province Polytechnic State College, Cristina Jane Rentino ng Aklan State University at Clodith Silvosa ng Davao del Norte State College.

Iba’t iba man ang pinanggalingang lugar sa Pilipinas, iisa lang ang sitwasyon ng tatlong estudyante na sumasalamin din sa kalagayan ng marami pang estudyante sa ating SUCs.

Nasa 4th year na ng kursong BS Teacher Education si Carolyn. Noong nagtatrabaho ang kanyang ina bilang teller, nag-aaral siya sa St. Louis University sa Baguio.

Nang pumanaw ang ina sa liver sclerosis, naiwan ang kanilang ama bilang tanging bumubuhay sa pamilya bilang geodetic engineer na may P30,000 suweldo kada buwan.

 

Dalawa sa mga kapatid ni Carolyn ay nasa kolehiyo na at ang isa ay nasa junior high school. Dahil kapos sa pera, napilitan si Carolyn na lumipat sa Mountain Province Polytechnic State College, kung saan ang tuition ay P4,000.

Mura man ang tuition ni Carolyn, kailangan namang maglaan ng kanyang ama ng P10,000 para sa tuition ng dalawa pa niyang kapatid. Kung susumahin, kalahati ng kita ng ama ay napunta na sa tuition pa lang. Paano pa ang kanilang pagkain at iba pang gastusin sa araw-araw?

***

Tulad ni Carolyn, si Cristina ay nasa ikaapat na taon na sa kursong BS Education.

Ang kanyang ina ay accountant sa Aklan State University at ang kanyang ama ay technician sa Agricultural Training Institute. Sumusuweldo sila ng kabuuang P45,000 kada buwan.

Nasa P4,000 lang ang tuition si Cristina ngunit umaabot naman sa P50,000 ang bayarin sa eskuwela ng iba pa niyang kapatid.

Kaya napilitang mangutang sa kooperatiba, bangko at ma­ging sa mga kaibigan at katrabaho ang kanyang mga magulang upang matustusan ang kanilang pag-aaral.

Sa dami ng utang, kinailangang maghigpit ng sinturon ang pamilya. Naapektuhan ang panggastos sa kanilang tahanan, pati na sa mga pangangailangan sa eskuwelahan.

***

Sa sitwasyon ni Clodith, nanay lang niya ang nagtatrabaho sa pamilya dahil may prostate cancer ang ama. Sa suweldong P35,000 ng ina bilang Senior Aquaculturist sa Provincial Agriculturist Office nabubuhay ang pamilya.

Nasa P10,000 ang tuition ni Clodith habang P1,000 naman ang gastos ng kanyang kapatid sa pag-aaral.

Nauubos ang suweldo ng kanyang ina sa pagpapagamot sa amang maysakit at sa iba pang gastusin sa bahay.

Para makatulong, nagtatrabaho si Clodith bilang student assistant para matustusan ang kanyang pang-araw-araw na allowance.

***

Naniniwala ang tatlo na napakalaking tulong ang Affordable Higher Education for All Act sa pagpapagaan ng kanilang kalagayan sa buhay.

Sa halip nga naman na ibayad sa tuition, magagamit ng pamilya ang pera sa iba pang mahalagang gastusin at pangangailangan sa bahay.

Ito ang ginhawang hatid ng Affordable Higher Education for All Act sa mga magulang na hindi sapat ang kita upang mapagtapos sa kolehiyo ang mga anak.

Kaya siguraduhin po natin na mapirmahan ito ng pangulo at maisabatas and libreng tuition sa ating mga state universities and colleges (SUCs).

BIDA KA!: Mabungang walong buwan

Mga bida, dalawang mahala­gang panukalang batas na dumaan sa ating komite ang nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado sa unang walong buwan ng 17th Congress.

Noong Lunes, sabay na ina­prubahan ng Senado sa parehong boto na 18-0 ang “Affordable Higher Education for All Act” na nagbibigay ng libreng tuition sa state colleges at universities (SUCs), at ang Free Internet Access in Public Places Act.

Ang inyong lingkod ang tumayong principal sponsor at co-author ng Senate Bill No. 1304 at Senate Bill No. 1277, na parehong itinuturing na prayoridad na panukala ng administrasyon.

Ang Senate Bill No. 1277 naman ang unang panukalang naipasa ng Senado ngayong 17th Congress mula sa Committee on Science and Technology, na akin ding pinamumunuan.

Masaya tayo’t mabunga ang ating panahon sa mayorya at nakapagpasa tayo ng dalawang malaking panukala bago natin tuluyang yakapin ang papel bilang minorya sa Senado.

***

Nagpapasalamat tayo sa mga indibidwal at mga grupo na nagsama-sama upang suportahan ang  panukalang nagbibigay ng libreng tuition fees sa SUCs at scholarship sa pribadong kolehiyo.

Ang kredito sa pagpasa ng batas sa Senado ay hindi lang para sa iisang tao o iisang tanggapan. Ito’y sama-samang pagsisikap ng mga senador, mga indibidwal at mga organisasyon na kasama natin sa layuning ito.

Una nating nais pasalamatan sina Senator Recto na matagal nang isinusulong ang adbokasiyang ito at Senate President Koko Pimentel sa pagbibigay prayoridad sa panukalang ito.
Malaki rin ang kanyang papel upang mapalakas pa ang pinal na bersiyon ng panukala ng Senado, kasama na ang mga amyenda nina Sens. Richard Gordon, Panfilo Lacson at Risa Hontiveros.

Nais rin nating pasalamatan ang mga kapwa ko may-akda na sina Senador Joel Villanueva, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Francis Pangilinan, Sonny Angara, Loren Legarda, Leila de Lima, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri.

 

Isang espesyal na pasasalamat din ang nais kong ipaabot kay Sen. Chiz Escudero sa kanyang pagpayag na ipagpatuloy natin ang pagsusulong ng Senate Bill No. 1304 hanggang sa huli kahit inalis tayo bilang chairman ng Committee on Education.

***

Malaki rin ang naitulong nina Commission on Higher Education (CHED) chairperson Patricia Licuanan, commissioners Minella Alarcon, Alex Brillantes, Prospero de Vera at Ronald Adamat sa pagbuo ng panukala sa kabila ng minsa’y ‘di pagkakaunaawan.

Nagpapasalamat din tayo kay Nikki Tenazas at sa mga kaibigan natin sa Unifast, PIDS, COCOPEA, PAPSCU at PBED sa kanilang tulong sa pagtalakay sa iba’t ibang probisyon ng panukala.

Salamat din kay Dr. Ricardo Rotoras ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) sa pagbibigay niya ng mahalagang pananaw mula sa SUCs. Bilang panghuli, nais kong pasalamatan ang ating mga estudyante na ating inspirasyon sa pagsusulong ng panukalang ito.

Batid natin kung gaano kahirap ang kanilang pinagdadaanan at kinalalagyan at alam natin na kailangang-kailangan nila ang batas na ito.

 Ang pagpasa ng panukalang ito ay isang malinaw na mensahe sa bawat Pilipino na prayoridad ng Senado ang edukasyon at nais natin itong palakasin para sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

Ang pagbuhos ng pondo sa edukasyon ay pinakamalaking puhunan na maaaring gawin ng pamahalaan dahil ito’y para sa kinabukasan ng kabataan na itinutu­ring nating pag-asa ng bayan.

BIDA KA!: Kultura ng patayan

Mga Bida, isang panibagong yugto sa isyu ng Davao Death Squad (DDS) ang nabuksan noong Lunes sa pagharap ni retired policeman Arthur Lascañas sa Senado.

Bilang pagbawi sa nauna niyang testimonya sa Senado, sinabi ni Lascañas na totoo ang DDS.

a halos dalawang dekada niya sa grupo, inamin niyang nakapatay siya ng humigit-kumulang 200 katao.

Sa umpisa, ang DDS ay nagsilbing tagapaglinis ng lansangan sa anumang uri ng kriminalidad, gaya ng holdapan at pagtutulak ng ilegal na droga.

Nang tumagal, sinabi ni Lascañas na nagbago ang papel ng DDS at nagsilbi nang personal na hitman, na target ay mga kalaban sa pulitika at personal na kaalitan ng kanilang mga boss.

Sa totoo lang, mas maraming mga tanong ang lumabas sa kumpisal ni Lascañas. Totoo bang kasangkot ang mga nabanggit na mga pulis at opisyal sa kanyang testimonya? Sinu-sino ang higit sa 200 tao na kanyang diumanong pinatay? Meron bang katotohanan na ginawa nilang mass grave ang tinatawag na Laud quarry?

Sa aking pananaw, maraming paraan upang malaman kung totoo nga ang mga sinabi ni Lascañas.

Sumang-ayon sa aking suhestiyon ang Philippine National Police (PNP) na silipin kung tugma sa kanilang record ang mga naikuwentong pagpatay ni Lascañas.

Pati ang Commission on Human Rights (CHR) ay nagbabalak na muling imbestigahan ang isyu ng DDS at bisitahin ang sinasabing libingan ng mga biktima sa Laud quarry kung saan sinabi ni Lascañas na may 200 patay na tao silang inilibing doon.

Importanteng malaman natin ang buong katotohanan sa akusasyon ni Lascañas.

 

***

Napansin ko na habang paulit-ulit na sinasabi ni Lascañas ang bilang ng kanyang mga napatay, wala kang makitang bakas ng pagsisisi sa kanyang mukha.

Paliwanag ni Lascañas, karamihan sa kanyang napatay ay mga kriminal, tulad ng snatcher, drug dealer at holdaper, maliban sa mga kaso na kanyang binanggit sa unang bahagi ng testimonya.

Wala nang aresto o pagdala sa presinto. Basta sa tingin nila salot ka sa lipunan, patay ka na.

Marami sa mga kababayan natin ang may ganito na ring pananaw. Hindi na kailangang dumaan sa proseso na nakasaad sa batas. Mas mainam na lang na patayin ang mga tinaguriang “less than human”.

Dahil sa takot, sa hirap ng buhay o pagiging biktima sa mga krimen, umabot na sa ganito ang pakiramdam ng marami nating kababayan.

***

Ang tanong mga Bida — ang pagpatay at pag-shortcut sa ating sistemang panghustisya lang ba ang solusyon sa problema natin sa droga at sa krimen?

Kung totoo ang testimonya ni Lascañas, ang pagkakaroon ng sikretong grupo na huma-hunting sa mga kriminal ay magkakaroon talaga ng collateral damage o mga tao na damay sa mga patayan.

At lumalabas din na mahirap tanggihan ang temptasyon na pagkakakitaan ang ganitong klase ng kapangyarihan na kayo ay “above the law”.

Napag-usapan na rin natin noon na mayroong mga drug-free communities na walang patayan na nangyari.

Ang ginawa ng mga grupo roon ay ang pagtiyak na buung-buo ang partisipasyon ng Simbahan, mga barangay, socio-civic organizations, mga komunidad at mga kapitbahayan.

Hindi nabibigyan ng tamang pansin ang mga solusyong ito sa droga at krimen na walang anumang patayan na nangyayari.

Mabigat ang mga implikasyon ng testimonya ni Lascañas at marami pang tanong ang kailangang sagutin.

Pero ang pinakatanong sa taumbayan ay ito — tama ba na pagpatay sa kapwa Pilipino ang gamiting solusyon kontra krimen?

BIDA KA!: Tuluy-tuloy pa rin ang serbisyo!

ga Bida, naging madrama ang pagbubukas ng sesyon noong Lunes nang hubaran ang ilang miyembro ng Liberal Party ng mahahalagang posisyon sa Senado.

Tinanggal si Sen. Franklin Drilon bilang Senate President Pro Tempore at pinalitan ni Sen. Ralph Recto.

Ang inyong lingkod naman ay pinalitan ni Sen. Chiz Escudero bilang chairman ng Committee on Education.

Inalis naman sina Sens. Francis Pangilinan at Risa Hontiveros bilang pinuno ng Committee on Agriculture at Health at pinalitan nina Sens. Cynthia Villar at JV Ejercito, ayon sa pagkakasunod.

Ang pagkilos na ito ay nangyari dalawang araw matapos kaming magmartsa sa EDSA at sumali sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng People Power 1 noong Sabado.

***

Sa pangyayaring ito, nasampolan ang mga miyembro ng LP dahil sa aming pagtutol sa ilang polisiya na isinusulong ng pamahalaan, tulad ng death penalty at pagbaba ng age of criminal liability.

Tinamaan din ang partido sa aming pagsasalita ukol karahasan na nangyayari sa ating mga lansangan, isyu ng demokrasya­ at aming pagsuporta kay Senadora Leila De Lima.

Kung ito ang kapalit ng aking pagsasalita tungkol sa ­demokrasya at kalayaan at pagtutol sa karahasang pumapaligid sa ating mga komunidad, malugod ko itong tatanggapin.

***

 

Kung titingnan, maganda ang naging trabaho ng Committee on Education ngayong 17th Congress.

Katunayan, tinatalakay na sa plenaryo ang dalawa sa pinakamahalagang panukala na tinututukan ng komite sa ngayon  ang Free Tuition Fees in SUCs Act at Pagkaing Pinoy Para sa Batang Pinoy.

Wala ring tumutol na senador sa aking pahayag sa sesyon na ang pag-alis sa inyong lingkod ay hindi ukol sa aking trabaho bilang committee chairman.

Tumayo rin si Senadora Grace Poe upang batiin ang maganda nating trabaho bilang pinuno ng education ­committee.

Sa kabila ng nangyari, mananatili pa rin ang ating suporta sa ilang mahahalagang panukala at reporma na ating sinimulan bilang chairman ng Committee on Education.

Nagpapasalamat naman tayo dahil gusto rin ni Sen. Escudero na ipursige ang mga ito, lalo na ang libreng tuition fee sa state colleges at universities at feeding program sa ating mga paaralan.

***

Nagbago man ang ating kalagayan, patuloy pa rin ang ating paglilingkod at pagbabantay sa kapakanan ng taumbayan.

Hindi pa rin mababago ang ating posisyon sa mahahala­gang isyu. Tuloy pa rin ang pagtutol natin sa death penalty at pagpapababa sa edad ng criminal liability.

Nang kami’y sumali sa supermajority noon, isa sa aming mga isinulong ay ang pagiging malaya ng Senado sa pamumulitika at ang kahandaan na isantabi ang partido para sa mahahalagang reporma.

Ngayong wala na kami sa mayorya, umaasa kaming mananatili ang imahe ng Senado bilang institusyon na malaya, hindi nababahiran ng pamumulitika at may sariling pagpapasya sa importanteng isyu ng bansa.

BIDA KA!: Mamuhunan tayo sa edukasyon

Mga Bida, nag-umpisa na noong nakaraang linggo ang period of interpellation sa plenaryo ng Senate Bill No. 1304 o ang “Free Higher Education for All Act”.

Layunin ng panukalang ito ay magbigay ng libreng tuition sa ­lahat ng state colleges at universities sa bansa.

Napakalaki ng tsansang maisabatas ang panukala dahil nakakuha ito ng malakas na suporta mula sa iba pang mga senador.

Maliban sa inyong lingkod, ­nakalista rin bilang may-akda ng batas sina Sens. Ralph Recto, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian,­ Francis Pangilinan, Sonny Angara, Loren Legarda, Leila de Lima, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri at Richard Gordon.

Habang tinatalakay ang panukala sa Senado, lumutang ang balita na ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang tutol sa pagsasabatas ng Senate Bill No. 1304.

Katwiran nila, ang pagbibigay ng libreng tuition fee sa SUCs ay anti-poor dahil hindi raw mahihirap ang makikinabang dito.

***

Sa isang banda, sang-ayon tayo sa pag-aaral na binanggit ng mga opisyal na 12 porsiyento lang ng pinakamahihirap sa bansa ay nasa SUCs.

Ngunit mas dapat bigyan ng bigat ang bahagi ng ulat na nagsasabi na mayorya ng estudyante sa SUCs ay nahihirapang ­tugunan ang mga bayarin sa paaralan.

Naalala ko tuloy ang sitwasyon nina Mary Ann Valimento­ at Cherry Mae Cabillo, na kabilang sa mga nakapanayam ng aking tanggapan noong pinag-aaralan natin ang panukala.

 

Si Mary Ann ay isang business administration student sa Bulacan State University. Nagagawa man niyang maipagpa­tuloy ang pag-aaral, hirap naman siyang bayaran ang tuition at iba pang gastusin sa paaralan matapos ma-stroke ang ama.

Si Cherry Mae naman ay isang 3rd-year IT student sa Philippine State College of Aeronautics.

Napilitan siyang tumigil­ sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pinansiyal na kakayahan ng mga magulang.

Gustuhin man ni Cherry Mae na magpatuloy sa pag-aaral ngunit hindi maitawid ng kanyang mga magulang ang gastusin. Ang kanyang ama ay isang magsasaka sa probinsiya habang ang ina niya’y isang ordinaryong maybahay.

Ngayon, naghahanap si Cherry Mae ng trabaho upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

***

Dalawa lang sina Cherry Mae at Mary Ann sa napakara­ming estudyante na kulang sa pinansiyal na kakayahan at nanga­ngailangan ng tulong para makatapos sa pag-aaral.

Sa ulat ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC), nasa 77 porsiyento ng mga estudyante sa mayorya­ ng SUCs ay galing sa pamilya na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa.

Napag-alaman naman sa Annual Poverty Indicator Survey (APIS) 2014, na hanggang 71 porsiyento ng mga estudyante sa SUCs ay galing sa pamilya na kumikita ng P29,000 pababa at nahihirapan sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.

***

Sa mga ulat na ito, malinaw na makikitang nangangailangan­ ng tulong ang mga kabataan sa SUC kaya bakit natin ipagkakait sa kanila ang tulong?

Hindi nga sila maituturing na pinakamahihirap pero nahihirapan pa rin silang tugunan ang pang-araw-araw na gastusin, hindi lang sa paaralan kundi pati sa kanilang mga tahanan.

Paano naging anti-poor ang libreng tuition sa SUCs kung tumutulong naman tayo sa mga pamilyang kailangan ng tulong?

Kung kayang maglaan ng pamahalaan ng mahigit P15 bilyon­ para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ASEAN, hindi na siguro­ sila magdadalawang-isip sa paglalaan ng katulad na ha­laga upang gawing libre ang edukasyon sa SUCs.

Sa ganang akin, kung mayroong pera ang pamahalaan, dapat lang na mamuhunan sila sa edukasyon para sa kabataan.

Ito ang pinakamagandang paglaanan ng pondo, lalo pa’t kinabukasan nila ang nakataya rito.

Scroll to top